Coleen Garcia, sinurpresa ng kanyang pamilya sa kanyang 29th birthday

Nagkaroon ng simple birthday celebration ang showbiz personality na si Coleen Garcia Crawford sa kanilang tahanan nito lamang buwan ng September. Ipinasilip ng celebrity sa publiko ang ilang captured moments sa kanyang birthday sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Kapansinpansin sa kanyang likuran ang napakaganda at eleganteng birthday balloon arrangement na gold and pink themed. May number din itong 29 dahil ito ang 29th birthday ng celebrity.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Makikita sa mga pictures na kanyang ibinahagi na siya’y tuwang tuwa habang may nakapatong na flower bouquet sa kanyang legs. Mayroon din siyang cake na may maraming kandila na kanyang hinipan.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Sa kanyang caption, ikinwento niya ang mga naging kaganapan sa araw na iyon at kung gaano siya naging kasaya dahil sa sopresang natanggap niya.

“I really wasn’t expecting to do anything for my birthday this year, but my family and friends decided to surprise me here at home.” ang sabi ng celebrity. Masasaksihan sa mga pictures ng birthday celebrant ang kanyang pagka-sorpresa at mapapatunayan naman sa kanyang malaking ngiti ang sayang nararamdaman niya.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

“You know how surprised I was? Some of them arrived and I was still in my pantulog, so the first thing I did was run up straight to the shower. “Omg di pa ako naliligoooooooo” 😭😂 Hence, the wet hair. 🙃

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Ang mga nangyari sa araw na iyon ay hindi lahat alam ni Coleen at ito ay isang surprise celebration. Wala umano talaga siyang balak para sa kanyang birthday na pangalawang beses nang ipinagdiwang sa panahon ng p@nd3mya.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

“So full of love and gratitude. Thank you, my loves. You made my birthday extra fun and happy! 🤍
Sa last picture na makikita sa nasabing post ay ibinahagi niya ang picture kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan na nag-surprise sa kaniya.

Bago pa ang post na iyon ay may ibinahagi na na birthday post si Coleen para sa kanyang sarili kung saan ipinarating niya kung gaano siya kakontento at nagpapasalamat sa lahat ng mayroon siya ngayon. May kalakip na barefaced photo ng celebrant ang post.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Kung bibisitahin naman ang Instagram account ni Billy Crawford na asawa ng birthday mom, hindi niya rin ipinalampas i-greet ang kanyang misis. Ibinahagi niya ang ilang pictures ni Coleen pati na rin captured moments niya kasama si Billy at anak nilang si Amari.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

May caption ang post ng isang sweet greeting kung saan in-express ni Billy ang pasasalamat at wish para sa asawa. Si Coleen at Billy Crawford ay kinasal noong April 2018. Habang nitong buwan lamang din ng September nang i-celebrate nila ang 1st birthday ng kanilang first child na si baby boy Amari.

The post Coleen Garcia, sinurpresa ng kanyang pamilya sa kanyang 29th birthday appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments