Dimples Romana, masayang ibinahagi ang gender ng kanilang Baby number 3!

Good news na ibinalita sa atin ng mag-asawang Dimples Romana at Boyet Ahmee ang kanilang bagong blessing. Buntis si Dimples at masaya niya itong ibinalita at ibinahagi sa atin.
At ngayon, ay rineveal na nila ang gender ng kanilang magiging baby. Isang bouncing baby boy ang expected ng mag-asawa.

Credit: @dimplesromana instagram

Ikatlong anak na nila ito. Kaya naman, excited sila sa panibagong blessing na ito sa kanilang buhay. Isang gender reveal party ang kanilang inorganize noong Linggo, March 27 kasama ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Credit: @dimplesromana instagram

Ilan sa mga nag-attend dito ay ang mga aktres na sina Angel Locsin, Neil Arce, Janus del Prado, Sue Ramirez, at Kaila Estrada. Star-studded nga ito dahil makikita din doon sina Lara Quigaman, Marco Alcaraz, Kim Molina, at Jerald Napoles. Kasama din sina Dominic Ochoa, Miles Ocampo, Adrian Lindayag, Miko Raval, Aljon Mendoza, at Karina Bautista.

Credit: @dimplesromana instagram

Noong March 18, naibahagi sa atin ni Dimples ang kanyang good news na siya ay officially pregnant na sa kanyang ikatlong anak.

Credit: @dimplesromana instagram

Ikinasal si Dimples sa kanyang asawang si Boyet noong 2003. Ang kanilang panganay na anak ay si
Callie na 18 years old na ngayon ay lumipat sa Australia para magaral at maging isang piloto. Mayroon din silang anak na si Alonzo na nag 7 years old noong Pebrero.

Credit: @dimplesromana instagram

Sa isa namang IG update, di na daw makapaghintay si Dimples at talagang excited na siya sa pagdating ng kanilang ikatlong anak. Sa July daw ay naka schedule si Dimples na magsilang ng isang baby boy.

Credit: @dimplesromana instagram

“I’m so thr!lled to meet you in three months, baby E. You have ignited emotions of GROWTH, SELF PRESERVATION, LOVE, and COURAGE in me. With your coming baby E, mommy is RENEWED,” saad ni Dimples.

Credit: @dimplesromana instagram

Sa ngayon, napapanood pa din si Dimples sa ABS-CBN’s hit primetime series na V!r@l Sc@nd@l. Samantala, excited naman ang mga fans na makita ang bunso ni Dimples.

The post Dimples Romana, masayang ibinahagi ang gender ng kanilang Baby number 3! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments