Aktres na si Ryza Cenon, proud na ibinida ang DIY car na kanyang ginawa para sa anak na si Baby Night

Ano ang mga kaya mong gawin para sa kasiyahan ng iyong anak? Lahat marahil ay gagawin ng isang ina para lang makita nya ang saya na gumuhit sa mukha ng kanyang anak, sino ba namang ina ang hindi, hindi ba? Lalabas talaga ang pagiging madiskarte, lalo pa kung iyon ang makakapag pasaya sa anak.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Sa ilang mga post ni Ryza Cenon makikita kung gaano nga ang pagmahahal ng isang ina ay umaabot hanggang sa pag likha ng mga bagay gaya ng laruan at replica ng paboritong karakter ng anak. Sa kanyang post ay mapapa wow nga talaga tayo sa tyaga ni Ryza na pinakita ang proseso ng kanyang pag gawa ng isang sasakyan na kilala na “Lightning McQueen” sa palabas na cartoon na Cars.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Gawa sa karton ang laruan na pinagtyagaan ni Ryza na tapusin! At mapapahanga ka, na talagang kuhang kuha ni Ryza ang bawat detalye nito, “Lightning McQueen 🚗🏎🚘 Made by yours truly ☺💗” caption pa nito sa post.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Madami sa mga netizen ang humanga, “Hands down mamsh 😍😍😍job well-done 🙌🏼🙌🏼🙌🏼”, “night is so happy I could tell on his photos kudos mommy 😍”, “Sulit ang pagod kapag Masaya si baby 👏❤,” “wais na mommy👏❤❤❤” at marami pa ngang iba.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Makikita din sa mga sumunod na mga post ni Ryza ang masayang masaya niyang anak na si Night, “Priceless..🥰😍🥹💗” aniya sa kanyang isa pang post na video ng anak na pinakita dito ang ang DIY Lightning McQueen na agad na sinakyan ang laruan.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Sa isa pang post ay makikita ang bakas na bakas na saya ng anak nya at ayon pa nga sa kanya, lahat ng pagod pati na puyat para lamang magawa ang DIY Car na ito para sa anak ay napaka worth it.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Sa dulo tunay na lahat ng makakaya ng isang ina ay gagawin para sa anak, ganito nga naman talaga mag mahal ang mga nanay. Isang maraming palakpak para s aiyo Ryza, isa kang wais na mommy!


Credit: @iamryzacenon Instagram

Si Ryza Cenon ay isang Filipino actress, dancer, model at painter. Noong 2004, sya ay naging Ultimate Female Surviv0r ng second season sa StarStrvck sa GMA Network.


Credit: @iamryzacenon Instagram

The post Aktres na si Ryza Cenon, proud na ibinida ang DIY car na kanyang ginawa para sa anak na si Baby Night appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments