Andi Eigenmann, masayang ibinahagi ang kanilang pamamasyal sa bansang France

May mga pangarap tayo na abot kamay na natin at isa ito sa mga bagay na atin ngang pinagpapasalamat. Hindi din natin kasi alam na darating din tayo sa punto kung saan naroroon na tayo sa sitwasyon na dati nating inasam asam. Tunay na wala ngang imposible!

Credit: @andieigengirl Instagram

Sa kanila ngang out of country trip, ang “Happy Islander” ay nakarating na nga sa kanilang pangarap na puntahang destinasyon, at yun ay ang Hendaye!

Credit: @andieigengirl Instagram

Kamakailan lang nang bumyahe ang buong pamilya papuntang Indonesia at ngayon ay naabot na din nila ang talagang nais puntahan. Makikita na nag eenjoy ang buong mag pamilya habang nag tatayo ng kanilang sandcastle.

Credit: @andieigengirl Instagram

Bakas ang saya sa buong pamilya, dahil na din ang beach ay isa sa mga tila comfort place nila, “It’s been beach evenings for us over here in this Basque beach town.” Sulat nito sa caption.

Ayon pa nga kay Andi Eigenmann ay talaga nagustuhan nila ang European summer weather at ang 10 PM sunsets nito dahil nag bibigay nga ito ng mga oras na para mag enjoy, mag pahinga, at kumain.
Ang buong pamilya nga ay makikitang sinusulit ang oras nila doon sa France.

Credit: @andieigengirl Instagram

Tunay nga na napakasaya na malaman na kaya na ninyo ang mga bagay na noon lamang ay pinapangarap lamang, gaya nga ng Happy Islanders ay magagawa din ng bawat isa sa atin ang mga bagay na gusto nating gawin.

Credit: @andieigengirl Instagram

Isa ngang inspirasyon ang pamilyang ito sa bawat ding pamilya na ang bawat ganap ay kasama ang buong pamilya. Bibihira na lang din talaga ang ganito lalo pa sa dumadaming kaso ng pagpapabaya sa parenting.

Credit: @andieigengirl Instagram

Sa huli, hindi natin maipagkakaila na sa bawat pangarap ang dahilan nito ay ang mga tao na ating minamahal. Gusto natin sila ang kasama sap ag abot at pag enjoy nito.

Credit: @andieigengirl Instagram

Enjoy sa buong pamilya! Ano kayang bansa naman ang next na pupuntahan ng pamilya Islander?

Credit: @andieigengirl Instagram

Si Andrea Nicole Guck Eigenmann o kilala bilang Andi Eigenmann ay isang Filipino actress, model, at social media influencer. Samantala si Philmar Alipayo ay isa namang Filipino Surfer, Public Figure, at Famous Personality. Kamakailan lang din ng nag tayo ang dalawa ng kanilang sariling surf school at bar.

Credit: @andieigengirl Instagram

The post Andi Eigenmann, masayang ibinahagi ang kanilang pamamasyal sa bansang France appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments