Tignan ang napakacute na mga litrato ng bunsong anak nina Patrick at Nikka Garcia na si Baby Pablo

Ibinida ni Nikka Martinez Garcia ang first born son nila ng aktor na si Patrick Garcia sa kanyang ibinahaging Instagram post na may kalakip na solo pictures ng baby boy. Naka-focus ang close-up picture sa mukha ng baby boy kaya naman kitang-kita kung gaano ka-gwapo ito. Masasaksihan ang mga napakaganda niyang facial features na nakuha niya sa kanyang mga parents.

Credit: Nikka Garcia instagram

Napaka-tisoy tignan ng kanilang anak dahil sa napakakinis at puting kutis nito. Kapansinpansin rin ang kanyang napakagandang mga mata na kulay brown. Mababasa naman sa caption ng post ay “Mighty Cute indeed!!!!😍”, naka-green striped shirt ang kanyang anak na may design na “MIGHTY CUTE” na tinutukoy ang baby boy.

Credit: Nikka Garcia instagram

Napaka-cute rin niya sa suot niyang black baby bonnet na mala-mickey mouse ang dating dahil sa design nitong mayroong tengang tulad ng kay Mickey. Ang kasalukuyang bunso ng pamilya ay ipinangalan nilang Enrique Pablo.

Credit: Nikka Garcia instagram

Masasaksihan naman sa comment section ang pag-admire ng mga netizens sa kanya kung saan inilalarawan nilang “cute” at “gwapo” ang baby.
Thursday, July 15 nang i-welcome nila ang bunso. Maaalalang agad ibinahagi ito ni Nikka sa kanyang Instagram post kung saan in-express niya kung gaano siya kasaya.

Credit: Nikka Garcia instagram

Si Enrique Pablo umano ang answered prayer nina Nikka, Patrick, pati na rin ng tatlo niyang nakatatandaang kapatid. Siya ang 4th child at first born son nina Nikka at Patrick.

Credit: Nikka Garcia instagram

Ang tatlo pang anak ng mag-asawa ay babae lahat. Ang panganay nila ay si Michelle na 7 years old na, ang pangalawa naman ay si Nicole na 4 years old, habang ang kanilang pangatlong babaeng anak ay si Pia na 2 years old na.

Matatandaang in-announce ng couple na mayroon na silang baby number 4 sa pamamagitan ng isang youtube vlog na kanilang ibinahagi noong January 8, 2021.

Credit: Nikka Garcia instagram

Sa kanilang sariling Youtube channel na “Garcia Family” kung saan nagse-share sila ng mga vlogs na may iba’t ibang masasayang content ay mas masusubaybayan at makikilala ang pamilya.

Credit: Nikka Garcia instagram

Si Enrique ay ang pangalawang anak na lalaki ni Patrick Garcia dahil ang kanyang panganay ay isa ring lalaki na anak niya sa former girlfriend niyang si Jennylynn Mercado. Siya ay si Alex Jazz Mercado na naging official teenager at 13 years old noong nakaraang buwan ng August.

The post Tignan ang napakacute na mga litrato ng bunsong anak nina Patrick at Nikka Garcia na si Baby Pablo appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments