Erich Gonzales, nagdiwang ng kanyang ika-31 taong kaarawan

Sa latest post ni Erich Gonzales sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang ilang captured moments niya habang nakasakay sa tila isang yate.

Credit: Erich Gonzales instagram

Sa kanyang Instagram post nito lamang September 24, makikitang nakaupo lamang si Erich habang nakatingin sa malayo. Mapapansing relax na relax ang aktres sa mga pictures. Napaka-fresh din lalong tignan ng aktres sa suot niyang long dress na kulay yellow.

Credit: Erich Gonzales instagram

Makikita naman sa comment section ang pag-admire ng mga ibang celebrities pati na rin mga fans sa natural na ganda ng aktres.

Nakafocus sa kanya ang mga pictures kaya naman kapansin-pansin talaga sa kanyang mukha ang kanyang saya na nadarama habang ine-enjoy niya ang napakagandang view niya na karagatan.
Matatandaang noong nakaraang September 20 lamang nang magdiwang ng 31st birthday si Erich kaya naman birthday greetings ang ibang mababasa sa comment section.

Credit: Erich Gonzales instagram

Ito ay ang pangalawang beses niyang pagcelebrate ng birthday na mayroong p@nd3mya.
Sa isa sa kanyang mga latest posts, pinasalamatan niya ang Aquino family sa ipinarating nilang sweet gesture bilang pagdiriwang din ng pamilya sa kaarawan ng aktres.

Credit: Erich Gonzales instagram

May caption ang post na “These flowers and your touching letter made my birthday extra special. Thank you Ate Kris, Kuya Josh and to the cutest delivery man Bimb for the sweet surprise. I love you too for life, @krisaquino 💕

Credit: Erich Gonzales instagram

Si Erich ay nakatanggap ng espesyal na sorpresa galing kina Kris Aquino, Kuya Josh, at Bimby. Pinadalhan ng mga Aquino si Erich ng big Bouquet na may napakaraming white at pink roses at isang personal letter na hinatid mismo ni Bimby.

Credit: Erich Gonzales instagram

Si Erich ay mayroong malalim na relationship sa Aquino’s. Itinuturi siyang “panganay” ni Kris Aquino habang itinuturi namang ina ni Erich ang beteranong aktres.

Credit: Erich Gonzales instagram

Matatandaang 14 years old si Erich nang siya’y magsimula sa kanyang showbiz career. Agad naman namayagpag ang kanyang karera nang siya’y manalo sa reality show na Star Circle Quest.

Ang kanyang ipinamalas na galing sa industriya lalo na sa pag-arte kahit na noong siya ay baguhan pa lamang ay ang nagpakilala at nagpaingay mismo sa kanyang pangalan. Ang kanyang naging biggest break bilang aktres ay ang pagganap niya bilang Nene sa teleseryeng Katorse.

Credit: Erich Gonzales instagram

Tulad ng iba, pinasok na rin ng aktres ang mundo ng Youtube. Siya ay may sariling channel kung saan naglo-launch siya ng iba’t ibang mga videos, sa paraang ito ay mas nakikilala siya ng mga tao. Madalas din ay mayroon siyang mga nakaka-collab na kapwa niya celebrities.

Credit: Erich Gonzales instagram

The post Erich Gonzales, nagdiwang ng kanyang ika-31 taong kaarawan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments