Ynez Veneracion, isinilang na ang kanyang cute na baby na si Jianna

Matatandaang hindi pa ganoon ka-tagal mula nang magkaroon ang dating aktres na si Ynez Veneracion ng kanyang first ever maternity shoot na talagang umani ng magagandang reaksiyon sa mga netizens ngunit matapos ang mahigit na isang buwan ay ibinalita na nitong safe na safe na niyang naipanganak ang kanyang pangalawang anak.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Sa edad na 40 years old ay ibinahagi ni Ynez ang magandang balita na buntis ito sa kanyang pangalawang anak sa non-showbiz boyfriend nitong si Bryan Recto at sa edad na 40 years old ay talagang maituturing na miracle kapag nabuntis pa ang isang babae kaya naman labis ang sayang nararamdaman ni Ynez nang malaman nitong nagdadalang-tao siya.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Kaya noong mayroon na lamang itong apat na linggo bago manganak ay kinuha na ni Ynez ang pagkakataon upang magkaroon ng maternity shoot sa kanyang miracle baby.
Kamakailan-lamang ay ibinahagi ni Ynez sa kanyang Instagram account ang mga letrato ng kanyang new born baby girl at ipinangalanan nito bilang Jianna Kyler. Sa unang letrato ay makikita ang close-up picture nito na mahimbing na natutulog.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Bagong silang pa lamang si Baby Jianna ngunit halatang-halata na nagmana ito sa kanyang ina dahil parehong maganda ang mga ito at isama mo pa pati ang kanyang mapupulang kutis tulad ng kanyang ina na makikita lalo sa pangalawang letrato.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Sa iba pang letrato ay makikita na katabi at karga-karga ni Ynez si Baby Jianna. Kahit kakapanganak lamang ay walang kupas pa rin ang ganda ng dating aktres at hinding-hindi mahahalatang 40 years old na ito dahil sa kanyang batang-bata at fresh na fresh na itsura.

Credit: Ynez Veneracion instagram

At sa iba pang sumunod na letrato ay makikita ang naging kaganapan sa delivery room habang nanganganak si Ynez. “A sweet beautiful angel has finally arrived. Welcome to the world my little one. ??????♥?????@jiannakyler” saad nito sa kanyang caption.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Disyembre umano nang malaman ni Ynez na siya ay nagdadalang-tao sa kanilang first baby ni Bryan. Kahit na labing-tatlong taon ang agwat ng mga ito ay talagang mahal na mahal nila ang isa’t isa at mayroong napaka-tibay na relasyon ang dalawa.

Credit: Ynez Veneracion instagram

Matatandaang mayroong isang anak si Ynez na si Princess Keilah Del Rosario sa kanyang dating naka-relasyon na isang politiko. Kaya naman hindi lamang silang dalawa ni Bryan ang excited na excited na makilala at makita ang bagong silang na sanggol ni Ynez.

The post Ynez Veneracion, isinilang na ang kanyang cute na baby na si Jianna appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments