Tingnan ang nakakatuwang litrato ni Ara Mina kasama ang anak at kanyang asawa na si Dave Almarinez

Ang magaling na aktres na si Ara Mina ay kilalang-kilala ng mga pilipino dahil sa kanyang natural na galing sa pag-arte na mapapanood sa mga naging teleserye at pelikula nito noon at hanggang ngayon kaya naman naging sikat talaga ito at naging isa sa mga in-demand na aktres sa Philippine showbiz industry.

Credit: Ara Mina instagram

Sa murang edad pa lamang ay naipamalas na ni Ara sa harap ng camera ang kanyang galing sa pag-arte at hindi lamang iyon dahil isa rin itong magaling na singer.

Credit: Ara Mina instagram

Matatandaang nagsimula ang kanyang career sa showbiz nang maging parte ito ng isang youth-oriented program na “That’s Entertainment” sa edad na 14 years old lamang. Simula nang maging parte si Ara sa programang ito ay mas nakilala ang aktres ng mga viewers kaya naman mas nagkaroon ito ng maraming oportunidad at proyekto.

Credit: Ara Mina instagram

Kaya naman hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong umaarte sa mga iba’t ibang kilalang teleserye.
Hindi pa ganoon ka-tagal mula nang ibahagi ni Ara sa publiko ang naging pag-iisang dibdib nila ng kanyang asawa ngayon na si Dave Almarinez. Ito ay isang intimate pero engrandeng wedding lamang kasama ang pamilya nina Ara at Dave na ginanap sa Baguio City.

Credit: Ara Mina instagram

Mula nang ikasal si Ara ay mapapansin kung gaano ito ka-saya sa kanyang buhay may pamilya kasama ang kanyang unica hija na si Mandy at ang kanyang asawa na si Dave.

Sa recent post ni Ara ay makikita ang naging photosh00t nilang pamilya at kasama rin ang Almarinez Family. Sa unang letrato ay makikita ang family picture nina Ara,Dave at Mandy na pormal na pormal sa kanilang suot na bagay na bagay mismo ng mga ito.

Credit: Ara Mina instagram

Napaka-sophisticated at classy ng kanilang datingan sa naging family picture ng mga ito. Hindi rin magpapahuli ang kagandahang taglay ng aktres na fresh na fresh sa kanyang pink long dress pati na rin si Mandy na cute na cute rin sa pink dress nito.

Credit: Ara Mina instagram

Sa sumunod na letrato ay makikita ang pormal din na family picture ng mga ito ngunit sa pagkakataong ito ay kasama na nina Ara ang kumpletong pamilya ni Dave kung saan mapapansin na mayroong magandang relasyon ang mga ito sa aktres at sa anak nitong si Mandy.

Credit: Ara Mina instagram

“Mi Familia” saad nito sa kanyang caption na ang ibig sabihin ay ‘my family’ dahil ito ang bagong pamilya ni Ara. Masayang-masaya naman ito na maluwag na tinanggap siya ng pamilyang Almarinez na isa sa hiling ng mga mag-asawa.

The post Tingnan ang nakakatuwang litrato ni Ara Mina kasama ang anak at kanyang asawa na si Dave Almarinez appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments