Anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz, masayang nagdiwang ng kanyang kaarawan

Ang anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz ay kailan lamang nang mag- 13 years old at maging ganap na teenager. Hindi naman ipinalampas ibahagi ng celebrity mom na si Jennylyn ang pagdiriwang sa napakahalagang araw na ito.

Credit: Jen Mercado instagram

Minarkahan niya ang araw na ito sa pamamagitan ng pagbati sa anak at pagbabahagi niya ng mga pictures kung saan kasama niya ang birthday celebrant pati na rin ng isang solo picture ni Jazzy na tila isang throwback photo. Ibinahagi niya ang post sa kanyang official Facebook account.

Credit: Jen Mercado instagram

“Happy Birthday, Jazz!” at 3 red hearts emoji ang nilagay niya sa caption ng post. Pinaulanan naman ito ng libo-libong facebook reactions at comments. Nag-iwan ng mga birthday messages ang mga netizens sa comment section para sa baby boy ni Jennylyn na ngayon ay ganap nang binata.

Credit: Jen Mercado instagram

Kung bibisitahin naman ang kanyang Instagram ay may ibinahagi rin siyang post kung saan ipinasilip niya ang mga naging kaganapan sa birthday ng kanyang anak. Ang mga pictures na makikita sa post ay tila highlights sa pagdiriwang sa espesyal na araw ni Jazzy.

Credit: Jen Mercado instagram

“My Jazz is now officially a teenager! Pero he will remain my baby boy forever!? Happy 13th, my Jazzy!❤ I love you so much!?” ang mababasa naman sa caption ng aktres sa nasabing Instagram post.

Credit: Jen Mercado instagram

Makikita sa mga pictures na ang nakasama ni Jazzy sa kaniyang birthday celebration ay ang mommy niyang si Jennylyn, at ang boyfriend ng kanyang mommy na isa ring showbiz personality na si Dennis Trilio. Nakasama rin nila ang anak ni Dennis na si Calix Andreas Ho.

Credit: Jen Mercado instagram

Mapapansin naman sa mga decorations na may theme ang celebration na “We Bare Bears”.
Napakabilis nga naman ng paglipas ng panahon at ngayon ay mayroon ng teenage son ang celebrity mom na si Jennylyn. “Heaven on earth” ang turing ni Jennylyn sa kanyang anak kaya naman kung masaya siya sa araw-araw na nakakasama niya si Jazzy ay sigurado namang mas masaya siya tuwing nagdriwang ng kaarawan ang kanyang anak.

Credit: Jen Mercado instagram

Si Alex Jazz ay nagcelebrate ng kanyang 13th birthday noong August 16. Si Jazzy ay anak ni Jennylyn sa former partner niyang si Patrick Garcia na isa ring showbiz personality.

The post Anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz, masayang nagdiwang ng kanyang kaarawan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments