Mga netizen, kinumpirma kay Megan Young kung baby bump na ba ang nakita nila sa inupload niyang letrato kamakailan

Isa sa mga celebrity couple ngayon na mainit sa mga mata ng netizens sina Miss World 2013 Megan Young at Kapuso actor-model Mikael Daez. Marami kasi ang nag-aabangan kung kailan magkakaanak ang mag-asawa.

Credit: Megan Young Instagram   

Kamakailan lamang ay naging hot-topic na naman sa social media ang usapin tungkol sa pagkakaroon ng anak nina Megan at Mikael.

Ito ay matapos mai-spotan ng isang netizens ang tiyan ni Megan na parang may baby bump.

Sa larawang ibinahagi ni Megan nitong September 21 sa Instagram, makikita na hawak ni Mikael ang kanyang bewang habang karga naman ni Megan ang kanilang alagang aso na si Soba.

Credit: Megan Young Instagram

Caption ng IG post ni Megan, “A weekend getaway with the family was just what we needed.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Megan Young (@meganbata) on

Dahil hapit na hapit sa beauty queen ang suot niyang cute dress, hindi maiwasang lumitaw ang inaakala ng netizens na isang “baby bump”.

Komento ng isang netizen na nag-tag sa kanya, “baby bump? or baby belly?

Idinaan naman sa biro ni Megan ang kanyang sagot sa komento ng kanyang Instagram follower na inakalang buntis siya dahil sa paglitaw ng umano’y “baby bump” niya.

Credit: Megan Young Instagram

Tugon ni Megan, “hahaha kanin po yan tsaka chips hahahaha”

Samantala, hindi lang ito ang pagkakataon na inakala ng netizens na nagdadalang-tao ang beauty queen.

Sa katunayan, sa isang episode ng kanilang podcast na “Behind Relationship Goals”, inamin ni Megan na nakakaramdam siya ng ‘pressure’ kapag tinatanong siya kung kailan siya magkakaanak.

Credit: Megan Young Instagram

Sa podcast ay tinanong ni Mikael kung saan nanggagaling ang mga ‘pressure’ na natatanggap niya.

Sagot ni Megan, “Mom, your mom, siblings, friends, social media. Articles you read online and random strangers on the street.”

Credit: Megan Young Instagram

Ikwenento rin ni Megan sa podcast na kahit umano mga post nilang dalawa ni Mikael na walang kaugnayan sa pagbubuntis ay inuugnay pa rin ng ilang netizen.

Kwento ni Megan, “You [Mikael] posted about me being sad about my sandwich and then [the fans] were like, ‘Baka buntis siya.’

Reaksyon ni Megan, “I was like, ‘Huh?'”

Sa kabila ng mga haka-haka ng netizens, makailang ulit namang nilinaw ng celebrity couple na hindi sila nagmamadali sa pagkakaroon ng anak.

Credit: Megan Young Instagram

Sa podcast episode ay sinabi ni Megan, “I know I don’t want kids right away. I know it’s eventually going to happen, but for now, if it happens then it happens.”

January 10, 2020 nang ginulat nila Megan at Mikael ang mundo nang inanunsyo nilang kasal na sila.
Sa ngayon, abala sina Megan at Mikael sa paggawa ng content para sa kanilang podcast.

The post Mga netizen, kinumpirma kay Megan Young kung baby bump na ba ang nakita nila sa inupload niyang letrato kamakailan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments