Alfred Vargas at Yasmine Vargas, masayang nagdiwang ng kanilang ika-11 taong anibersaryo bilang mag-asawa

Isa sa mga pampalipas oras ng mga Pilipino ay ang panonood ng telebisyon kung saan nakakapanood tayo ng mga iba’t ibang mga teleserye at pelikula at nakikilala ang mga magagaling na personalidad sa mundo ng showbiz dahil sa kanilang galing at talento sa pag-arte.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Isa ang magaling na aktor na si Alfred Vargas ang kilalang-kilala ng mga netizens lalong-lalo na ang mga all time Filipino viewers ng GMA network dahil madalas itong napapanood at kabilang sa mga kilalang teleserye na patok sa mga manonood.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Matatandaang unang nakilala si Alfred nang maging parte ito ng ABS-CBN star magic o mas kilala noon bilang Star Circle ngunit hindi nagtagal ay lumipat na ito sa GMA network kung saan mas nagkaroon ito ng maraming proyekto at naipamalas nito ang kanyang talento sa pag-arte.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Hindi lamang sa pag-arte nakilala at magaling si Alfred dahil kamakailan-lamang ng mapa-balitang nakapagtapos na ito ng kanyang master’s degree sa kursong public administration sa University of the Philippines National College of Public Administration and Governance.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Siya rin ay kasalukuyang Representative ng 5th District sa Quezon City kaya naman kilala ito sa mundo ng showbiz at mundo ng politika. Mapapansin na marami nang na-achieve si Alfred sa kanyang buhay, mapa showbiz man yan o sa politika at sa kalagitnaan ng kanyang journey sa mundo ng showbiz ay nakilala niya ang kanyang napangasawa na si Yasmine Espiritu-Vargas at nagkaroon na ng tatlong anak ngayon.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Matatandaang noong 2010 ay nagkaroon ng simpleng civil wedding sina Alred at Yasmine at kamakailan-lamang nang ipagdiwang ng mga ito ang kanilang ika-11 taong anibersaryo bilang mag-asawa.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Dahil dito ay hindi nagpahuli si Yasmine sa pagpopost ng letrato sa kanyang Instagram account upang ipagdiwang ang kanilang wedding anniversary ni Alfred. “11 years❤” saad nito sa kanyang caption. Simpleng-simple lamang ngunit sa likod nito ay ang lagpas isang dekadang pagmamahalan ng dalawa na hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinagtitibay ng panahon.

Credit: Yasmine E. Vargas instagram

Sa letratong ibinahagi ni Yasmine ay makikita ang naging wedding picture nila noon ni Alfred sa kanilang civil wedding. Kahit na lagpas isang dekada na ang lumipas mula nang nakuhanan ang letratong ipinost ni Yasmine, para bang isa lamang itong recent photo ng dalawa dahil wala man lang nag-iba sa itsura ng mga ito noon at hanggang ngayon.

Mapapansin naman na hanggang ngayon ay patuloy pa ring tumitibay ang relasyon ng mag-asawa lalo na at mayroon nang tatlong anak ang mga ito. Matatandaang matapos ang pitong taon mula nang magkaroon ang mga ito ng civil wedding ay nagkaroon naman sina Alfred at Yasmine ng church wedding noong 2017 sa Manila Cathedral.

The post Alfred Vargas at Yasmine Vargas, masayang nagdiwang ng kanilang ika-11 taong anibersaryo bilang mag-asawa appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments