Sya si Nicole Joson, ang napakagandang asawa ni Makisig Morales

Natatandaan niyo pa ba ang batang gumanap bilang superhero na si Super Inggo? Siguradong maraming Pilipino pa rin hanggang ngayon ang nakaka-kilala pa rin sa child star na si Makisig Morales na mas kilala bilang Super Inggo noon.

Credit: Makisig Morales instagram

Dahil talagang tumatak sa puso at isipan ng mga pilipinong all time viewers ang fantaseryeng Super Inggo noong 2006 pati na rin ang batang gumanap sa karakter na ito. Simula nang maging parte si Makisig sa fantaseryeng ito ay marami nang oportunidad ang nagbukas para sa kanya sa mundo ng showbiz. Nagkaroon din ito ng maraming proyekto kung saan mas nakilala siya ng mga netizens at napa-malas nito ang kanyang galing at talento sa pag-arte.

Credit: Makisig Morales instagram

Ngunit noong 2014 ay tuluyan nang iniwan ni Makisig ang mundo ng showbiz at lumipad papunta Australia upang makasama ang kanyang pamilya. Matapos naman ang pitong taong pananahimik at pagka-wala sa harap ng camera, ginulat naman ni Makisig ang kanyang mga dating taga-hanga at mga netizens ngayon dahil sa kanyang pag-iisang dibdib sa Filipino-Australian model at dating beauty queen na si Nicole Joson noong 2019.

Credit: Makisig Morales instagram

Umani ng halo-halong emosyon at reaksiyon ang mga magagandang wedding pictures nina Makisig at Nicole nang magbahagi ng mga ito sa kanilang mga Instagram account. Simula noon ay makikita sa Instagram post ng mga ito na masayang-masaya ang dalawa sa kanilang buhay mag-asawa.

Credit: Makisig Morales instagram

Dahil hanggang ngayon ay makikita ang magandang relasyon ng mga ito. Kamakailan-lamang din mula nang magbahagi si Makisig ng napaka-gandang letrato ni Nicole sa kanyang Instagram account at mayroon pa itong sweet na sweet na mensahe para sa asawa.

Credit: Makisig Morales instagram

“I just want to share this because every time I see this photo, I see an independent, strong and loving person who will never give up kahit ilang beses madapa. May topak minsan? Sure. Lahat naman ng tao, pero kahit ganun mas matimbang parin yung love.” Saad nito sa kanyang caption.

Credit: Makisig Morales instagram

Ang ibinahaging letrato ni Makisig ay isa sa mga naging wedding photo ng kanyang asawa kung saan makikita na suot-suot nito ang white na Filipiniana na bagay na bagay nito at lalong nagpatingkad sa kanyang natural na ganda tulad ng hawak nitong mga dried flowers. Kaya naman hindi mapigilan ni Makisig ang mahul0g lalo ang kanyang loob para sa asawa at magkaroon ng lubos na pagmahahal para rito.

Credit: Makisig Morales instagram

“wag ka mag alala, hindi ako magsasawang svyvin ka at….. gawan ka ng tea or coffee every morning.?? I love you.❤@_nicolejoson” dagdag pa nito. Simula noong 2014 at hanggang ngayon na mag-asawa na sina Makisig at Nicole, nakatira at nanatili pa rin ang mga ito sa bansang Australia ngunit bago magkaroon ng p@nd3mya ay madalas na bumibisita si Makisig dito sa Pilipinas.

The post Sya si Nicole Joson, ang napakagandang asawa ni Makisig Morales appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments