Anak ni Meryll Soriano at Joem Bascon na si Baby Gibo, cute na cute sa kanyang ika-8 buwang photosh00t

Matatandaang hindi pa ganoon ka-tagal mula nang ginulat ng magaling na aktres na si Meryll Soriano at ang aktor na si Joem Bascon ang publiko sa kanilang napaka-gandang relasyon ngayon sa ikalawang pagkakataon.

Matapos ang ilang taong pananahimik, ibinunyag ni Meryll ang magandang balita noong New Year’s Eve nitong taon ng 2020. Ibinahagi nito ang balita sa pamamagitan ng pag-post ng letrato sa kanyang Instagram account noon.

Matatandaang makikita sa letrato ang family picture kung saan kasama nito ang kanyang panganay at 13 taong gulang na anak na si Elijah, si Joem Bascon at ang kanilang bagong silang na sanggol na karga-karga pa niya.

Napagdesisyunan ng mga ito na ituloy ang kanilang naudl0t na pagmamahalan noon kahit lagpas isang dekada na ang lumipas mula nang maghiwalay ang mga ito. Ngunit sa pagkakataong ito ay mas pina-tibay at nagkaroon pa ng rason ang kanilang relasyon dahil kasama na ng mga ito ang kanilang plus one.

Simula nang ibahagi ni Meryll sa publiko ang pagbabalikan nila ng aktor na si Joem ay unit-unti na nitong binubuksan sa publiko ang buhay nito kasama ang kanyang pamilya. Madalas din nitong ibinabahagi ang mga cute na cute na letrato ng kanyang anak na si Baby Gido.

Napaka-bilis nga naman dumaan ng panahon at hindi na napapansin ng mga netizens na ilang buwan na ang lumipas mula nang i-reveal ni Meryll ang relasyon nito kay Joem ay ang kanyang new born baby dahil sa latest post ni Meryll sa kanyang Instagram account ay makikita ang mga letrato ng naging pagdiriwang ng ika-walong buwan ni Baby Gido.

Mapapansin sa Instagram account ni Meryll na wala itong nakaka-ligtaan na buwan ni Baby Gido dahil kada-buwan ay ipinagdiriwang nila ito kaya naman hindi na bago sa mata ng mga netizens ang pagdiriwang muli nina Meryll at Joem ng panibagong buwan ng kanilang anak.

Makikita sa letrato ang mga masasaya at cute na letrato nina Meryll, Joem at Baby Gido kung saan mayroong napaka-raming black, white at gray na mga lobo sa kanilang background at pareho pang naka matchy black t-shirt ang mag-ama. Mapapansin kung gaano ka-saya ang mga ito sa kanilang buhay kasama si Baby Gido dahil sa kanilang mga ngiting ipinakita sa mga letrato kaya naman talagang good vibes ang dala ng kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Meryll Soriano (@planetumeboshi)

Siyempre hindi naman magpapahuli ang bida ng post na si Baby Gido dahil sa kanyang effortless cuteness sa harap ng camera. “Happy 8th, Gido! ?” saad ni Meryll sa kanyang caption.

The post Anak ni Meryll Soriano at Joem Bascon na si Baby Gibo, cute na cute sa kanyang ika-8 buwang photosh00t appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments