Oyo Sotto, ipinakita ang cute na cute nyang bunso na si Baby Isaac

Kung usapang pamilya lamang, hinding-hindi magpapahuli ang pamilya ng dating aktor na si Oyo Sotto at dating aktres na si Kristine Hermosa dahil sa unti-unti pang lumalaki ang kanilang pamilya.

Kamakailan-lamang ibinahagi na ni Oyo ang magandang balita sa kanyang Instagram account at ito ay ang safe na panganganak ni Kristine sa kanilang ika-limang anak ni Oyo at isa nanaman itong Baby Boy.

Credit: Oyo Sotto instagram

Sa recent post ni Oyo sa kanyang Instagram account ay makikita ang letrato ng kanilang new born baby nila ni Kristine kung saan cute na cute na close up photo ng kanilang fifth baby ang bumungad dito.

Credit: Oyo Sotto instagram

Labis ang sayang nararamdaman nina Oyo at Kristine nang unang masilayan ng mga ito ang kanilang baby na ipinangalan nila bilang Vittorio Isaac. Kahit na pang-limang anak na nila ito ay hindi pa rin matutumbasan ang sayang nadarama ng mga ito dahil safe na naipanganak ni Kristine si Baby Vittorio.

Credit: Oyo Sotto instagram

Labis rin ang pasasalamat ni Oyo sa muling pag-sagot ng Diyos sa kanyang hiling at dahil na rin sa panibagong blessing na kanilang natanggap.

Credit: Oyo Sotto instagram

“Lord Jesus maraming salamat! You are faithful!❤Thank you for another answered prayer! Perfect timing ka talaga Lord, nakapag trabaho pa ako kaninang umaga🙏🏻 To my family and friends, thank you for all your prayers😊 I love you❤ Welcome to the world Vittorio Isaac😍 I love you @khsotto😍🥰😍” saad nito sa kanyang caption.

Credit: Oyo Sotto instagram

Mararamdaman sa caption ni Oyo kung gaano ito ka-saya na nadagdagan nanaman ang kanilang pamilya. Masayang-masaya ito na patuloy pa ring lumalaki ang kanilang pamilya dahil ito talaga ang kanyang ninanais.

Credit: Oyo Sotto instagram

Sa pangalawang letrato naman ay makikitang kasama na ni Baby Vittorio ang kanyang Daddy Oyo at Mommy Kristine sa pagkuha ng letrato. Mapapansin kung gaano ka fresh at blooming ang dating aktres kahit na kakatapos lamang nitong manganak.

Credit: Oyo Sotto instagram

Talaga namang walang kupas ang kanyang ganda kahit na mayroon na itong limang anak ngayon. Isa rin ang fresh na fresh na mukha ni Kristine ang umani ng magagandang kumento sa mga netizens dahil napansin ng mga ito na para bang hindi man nanganak si Kristine dahil sa kanyang natural na ganda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Oyo Sotto (@osotto)

Matatandaang ikinasal sina Oyo at Kristine noong 2011 at matapos iyon ay ipinanganak na ng dating aktres ang kanilang unang biological na anak na si Ondrea, sa parehong taon ng panganganak ay inamp0n nina Oyo at Kristine ang kanilang eldest son na si Kristian Daniel. Ngayon ay mayroon nang limang anak sina Oyo at ito ay isang babae at apat na lalaki.

The post Oyo Sotto, ipinakita ang cute na cute nyang bunso na si Baby Isaac appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments