Tingnan ang nakakatuwang litrato ni Roxanne Barcelo at kanyang cute na anak na si Baby cinco

Sa latest post ni Roxanne Barcelo, ibinahagi niya ang picture kung saan kasama niya ang kanyang first-born child. Makikita sa picture na buhat buhat ni Roxanne ang kanyang anak. Masasaksihan rin ang napakagandang ngiti ni Roxanne pati na rin ang ka- cute-an ng kanyang baby boy.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

May caption ang post na “I love you.” at may pa emoji pa na panda “🐼“. Tila panda family ang ang turi nila sa pamilya dahil kung mapapansin sa bio ng sariling instagram ng anak niya na “@dababycinco”, may bio itong “Son of Mama Panda & Papa Panda”.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

“Swipe to the end to get a closer look at his cheeks” dagdag pa sa caption ni Roxanne.
Ang pinakadulong picture na naka-attach naman sa nasabing post ay ang solo picture ng kanyang baby boy. Nakafocus ito at naka closeup sa kanya kaya naman masasaksihan as mas maa-appreciate talaga ang mga features ng baby boy.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

“Cuteness overload” ang mga salitang nababagay kung idedescribe ang baby boy.
Makikita naman sa comment section ang pang-gig!gil at pagbuhos ng mga comments na “cute” ng mga tagahanga pati na rin ng mga ibang celebrities. Napakabilis ng mga nagiging pangyayari sa buhay ng aktres.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Kung matatandaan, sa loob lamang ng dalawang buwan nang may i-reveal na mahalagang pangyayari si Roxanne sa kanyang buhay. Ito ay ang kanyang pagiging married woman at pagiging ganap na ina. Maaalalang ikinagulat ito ng marami lalo na ng kanyang mga supporters.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Pareho niyang ibinahagi ang mga mahahalagang impormasyon na ito sa kanyang dalawang magkaibang vlog sa kanyang sariling Youtube channel. Pasimple mang nagse-share si Roxanne ng mga impormasyon tungkol sa dalawang mahahalagang lalaki sa kanyang buhay ay pinoprotekta at pinapahalagahan niya pa rin ang privacy ng mga ito.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Napaka-pribadong tao ng aktres pagdating sa kanyang personal life lalo na pagdating sa kanyang buhay may asawa. Taong 2020 nang ibahagi ni Roxanne sa publiko na siya ay r0mantically involved sa isang non-showbiz na lalaki.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Buwan ng January naman ngayong taon nang siya ay magpost ng isang highlight photo sa kanyang wedding. Sa mga litratong ito ay hindi makikita ang mukha ng kanyang asawa. Minsan nang nabanggit ni Roxanne na desisyon nilang mag-asawa na manatiling lowkey o pribad0 pagdating dito. Kaunting tao lamang ang nakakakilala sa kanyang asawa.

Credit: Roxanne Barcelo instagram

Hangga ngayon ay wala pa ding ibang inihahayag na mga malalaki at maraming detalye si Roxanne tungkol sa kanyang mag-ama.

The post Tingnan ang nakakatuwang litrato ni Roxanne Barcelo at kanyang cute na anak na si Baby cinco appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments