Real-life Darna na si Angel Locsin, ikinasal na sa kanyang kasintahan na si Neil Arce

Isang magandang balita ang bumungad sa online world nito lamang Sabado, August 7, 2021. Inanunsyo ng real-life Darna na si Angel Locsin ang magandang balita na siya ay ikinasal na sa kanyang kasintahang si Neil Arce.

Credit: Niceprintphoto instagram

Patunay nga na ikinasal na ang dalawa ng ibahagi ng newlyweds ang kanilang mga wedding photos sa kani-kaniyang Instagram account, pati na rin ang kanilang latest vlog na “Lipat Bahay Gang”, na kung saan ay makikita na kanilang inanunsyo sa hulihang bahagi ng naturang video na sila ay happily married na.

Credit: Niceprintphoto instagram

Isang intimate civil wedding ang naging kasal nina Angel at Neil, na siyang isang linggo na ang nakalilipas nang maganap ang kanilang naturang kasalan, na pinangunahan mismo ng Taguig City Mayor na si Lino Cayetano. Sa larawang ibinahagi ni Angel sa kanyang Instagram account ay makikita ang B&W photo nil ani Neil, na makikita ang tuwa at labis na kasiyahan sa kanilang mga mukha.

Credit: Niceprintphoto instagram

Dagdag pa ng aktres, “and just like that. Bukas na yung iba. Namimilipit pa ako sa kilig,”
Ayon naman sa ibinahaging post ng NicePrint, “It was such a beautiful day! – Everyone’s happy for you both Neil and Angel! Congratulations we love you! ”

Credit: Niceprintphoto instagram

Bumuhos naman ang mga pagbati para sa newlywed ng ilan sa mga kaibigan ng aktres sa showbiz na sina Toni Gonzaga, Kathryn Bernardo, Marian Rivera, Bea Alonzo, Loisa Andalio, Alex Gonzaga, Coleen Garcia, Anne Curtis at marami pang iba.

Credit: Niceprintphoto instagram

Hindi naman nagpahuli ang mat@lik na kaibigan ni Angel na si Dimples Romana na siyang imbitado sa kanilang kasal, at makikita ang pagiging emosyonal ni Dimples dahil sa hindi mapigilang kaligayahan nito para sa kanyang 2 kaibigan.

Credit: Niceprintphoto instagram

Aniya, “Like the way you have our backs, MR and MRS @neil_arce @therealangellocsin , we will always have yours @papaboyetonline and I are honored and humbled to have been part of this beautiful moment and like what our beloved Mayor @linocayetano said, Kapag mawala pa lahat, HOPE, FAITH and LOVE remains , truly you are each other’s treasure anubaaaaaaa n@!!yak pa din ako!!! Hhahahahah”

Credit: Niceprintphoto instagram

Nakatakdang ikakasal sina Angel at Neil November pa lamang ng nakaraang taon, ngunit dahil sa pag-iingat mula sa nakakah@wan6 v1rus ay na-postpone ito.

The post Real-life Darna na si Angel Locsin, ikinasal na sa kanyang kasintahan na si Neil Arce appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments