Magandang anak ni Assunta De Rossi na si Baby Fiore, nagdiwang ng kanyang ika-10 buwan

Sa panahon ngayon, naging tradisyon na ng mga magulang ang i-celebrate every month ang birthday ng kanilang mga babies simula nang sila’y mapanganak hanggang sa sa sila’y mag 1 year old. Ito ay naging paraan ng pagsalubong sa 1st birthday ng kanilang mga anak.

Credit: Sammy Whammy instagram

Kailan lamang nang mag 10th month old ang miracle baby nina Assunta de Rossi at Jules Ledesma. Hindi naman ipinalampas ng kanyang “best auntie” na i-greet ang kanyang pamangkin.
Makikita sa Instagram account ni Alessandra de Rossi na hindi siya nagpahuling bumati sa kanyang baby Fiore.

Credit: Sammy Whammy instagram

“10 months of quarantine for Fioringning! We love you #fiorever ❤❤❤” ang sabi ng celebrity tita sa kanyang caption. Makikita sa picture na nakaupo sa sofa si baby Fiore at nasa tabi niya ang kanyang dalawang stuffed toys.

Credit: Sammy Whammy instagram

Nag-comment naman ang kanyang mommy na si Assunta ng “Wawa. ?” dahil mukhang wala sa mood ang baby girl nang siya’y kuhanan ng litrato habang kagat niya ang poster na may nakalagay na “I am 10 months old”. Ngunit kahit na nakakun0t at magkasalub0ng ang kanyang mga kilay ay nangingibabaw pa rin ang cuteness ni Fiore.

Credit: Sammy Whammy instagram

Pabiro namang ni-replyan ni Alessandra ang kanyang ate na “okay naman daw yung stuffed toys ?”.
Kung bibisitahin naman ang account ng ina ng baby girl na si Assunta, makikitang binati niya rin ang kanyang anak sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Credit: Sammy Whammy instagram

“Hello! Today, I turned 10 months old! Today is also my nonna’s @ermatsko birthday. I know she always thinks of me. I love her and I can’t wait to meet her.— ?????” ang sabi naman ni Assunta na tila pinaparating niya ang mensahe ni baby Fiore.

Credit: Sammy Whammy instagram

Kasabay ng pag-celebrate ng pagiging ganap na 10-month-old ni Fiore ay ang birthday ng kanyang lola na binanggit sa caption. Hindi pa na-meet ni Fiore ang pinakamamahal niyang lola na si Nenita Schiavone. Si Giulia Fiorentina Alessandra Schiavone Ledesma ay ipinanganak noong October 23, 2020. Dalawang buwan na lamang at ise-celebrate na ang kanyang 1st birthday kung saan siya ay mag iisang taon gulang na.

Credit: Sammy Whammy instagram

Ang mag-asawang Assunta at Jules na mga magulang ni Fiore ay ikinasal noong 2002. Pagkatapos ng halos dalawang dekadang paghihintay ay nabibiyayaan rin sila ng anak.

The post Magandang anak ni Assunta De Rossi na si Baby Fiore, nagdiwang ng kanyang ika-10 buwan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments