Komedyanteng si Pooh, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanyang pinakitang throwback photo

Naaalala niyo pa ba ang komedyanteng si Bien Co o mas kilala bilang sa stage name nitong Pooh? Tiyak na maraming netizens ang pamilyar sa kanya dahil isa ito sa magagaling na komedyante, aktor, singer at impersonator ng ABS-CBN network noon.

Credit: pooh_tik instagram

Matatandaang isa si Pooh sa mga regular na host at nagpapatawa sa comedy g@g show noon na Banana Split kung saan kasama nito ang iba pang kilalang, magagaling magpatawa at magpasaya ng mga tao.

Credit: pooh_tik instagram

Sa GMA network unang napanood si Pooh sa Philippine television nang maging guest ito sa afternoon show na SiS ngunit ayon sa kanya, ang ABS-CBN talaga ang nagbigay sa kanya ng oportunidad at mga proyekto kaya mas maraming mga viewers ang naka-kilala rito.

Credit: pooh_tik instagram

Noong 2013 ay nagsimulang maging impersonator ito ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao na kinagiliwan ng nakakarami. Hindi naman maipagkaka-ilang may pagka-hawig talaga ang komedyante at ang pambansang kama0, idagdag pa na napaka-galing na impersonator nito dahil kuhang-kuha niya hindi lamang ang itsura ni Manny, kung hindi pati na rin ang kanyang mga galaw at pagsasalita.

Credit: pooh_tik instagram

Lalo pang napatunayan ni Pooh na magka-hawig talaga sila ni Manny nang magbahagi ito ng isang letrato sa kanyang Instagram account. Kamakailan-lamang ay nagbahagi si Pooh sa kanyang Instagram account ng isang throwback photo nitong binata pa siya na makikita sa latest post nito.

Credit: pooh_tik instagram

Makikita sa letrato na batang-bata pa si Pooh dito at lalaking-lalaki pa dahil kinuhanan pala ito noong taong 90’s pa. “Sino nagsabi na pan0t ako???🤣🤣🤣🤣#early90’s pasok b@sh3rs!! Hahahaha” pagbibiro nito sa kanyang caption dahil hindi naman lingid sa isipan ng mga all time viewers at taga-hanga nito ang kasalukuyang sitwasyon ng kanyang buhok ngayon kumpare ng nasa letrato.

Credit: pooh_tik instagram

Talaga namang napaka-labong at kapal ng kanyang buhok noong kabataan nito kaysa ngayon lalo na at nagkaka-edad na rin ito. Maraming netizens ang natuwa sa pagbabahagi ni Pooh ng kanyang throwback photo dahil napansin ng mga ito na lalong kahawig ni Pooh si Manny Pacquiao noon. Hindi lamang ang mga netizens ang natuwa sa letrato kung hindi pati na rin ang mga kaibigan nito sa showbiz at nagbigay ng kanilang kumento.

Credit: pooh_tik instagram

Samantala, tulad ng iba pang mga kilala personalidad sa mundo ng showbiz, pinasok na rin ni Pooh ang mundo ng Youtube kaya naman mapapanood ang kanyang nakakatuwang vlogs sa kanyang sariling Youtube channel.

The post Komedyanteng si Pooh, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa kanyang pinakitang throwback photo appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments