Nagdiwang ng kanyang ika-33 taong kaarawan si Jason Francisco o mas kilala sa online world bilang ‘Papang Strollz’ noong October 11.

Sa araw ng kanyang kaarawan, ay hindi inaasahan ni Jason na may inihanda pa lang surpresa sa kanya ang kanilang mga kasamahan sa bahay.

Sa kanilang family YouTube channel na “Melason Official YouTube”, mapapanood ang inihandang birthday surprise ng mga kasama niya sa bahay.

Ayon sa kanyang asawang si TV host Melai Cantiveros, ipinagdiwang na umano nila ni Jason nang mas maaga ang kaarawan nito sa The Farm at San Benito, isang kilalang wellness hotel sa Lipa, Batangas.

Kaya hindi talaga inaasahan ni Jason na may nakahandang supresa pala sa kanya sa pag-uwi nila.
Ani Melai, “Guys, alam n’yo ba na sekreto to. October 11 ngayon Papang Strollz Birthday. So, ngayon inihanda namin ‘to. Actually, hindi ako ang naghanda nito. Ang naghanda nito is mga kasamahan namin sa bahay.”

Sa sala ng kanilang bahay ay makikita ang mga birthday balloon at mga larawan ni Jason na nakadikit sa pader.

Nakakatuwa naman ang mga anak ng celebrity couple na sina Amelia Lucille at Stella Rosalind.
Sa vlog ay mapapanood na napapasayaw ang mga anak nina Jason at Melai dahil sa sobrang excitement na makita ang reaksyon ng ama sa inihanda nilang sorpresa.

Ikwenento naman ni Melai na ayaw daw talaga ni Jason na maghanda sila dahil gusto raw umano nitong mag-fasting at pokus din daw ito sa pag-eehersisyo.’

Sa una ay ayaw pang bumaba ni Jason dahil aniya baka raw may handa para sa kanyang birthday.
Ani Jason, “Ayoko bumaba kasi baka may handa.”

Patay-malisya naman si Melai at sinabing wala umanong handa na nakaabang para sa kanya.
Maririnig naman sa vlog ang boses ng Mama ni Melai na si Virgie na pinapababa na si Jason dahil nagugutom na raw sila.

Hindi naman nagtagal ay napilit na rin nila itong bumaba.
Sa kanyang pagbaba, ay mistulang isang hari na hinihintay ng kanyang pamilya si Jason.
Habang bumababa ay kinantahan si Jason ng kanyang pamilya at mga kasama sa bahay ng “Happy Birthday” song.

Halata naman sa mukha ni Jason na na-appreciate nito ang effort ng kanyang mga kasama sa bahay.
Sambit ni Jason, “Thank you. Thank you.”

Sa kanyang Instagram, binati rin ni Melai ang asawa.
Aniya, “Happy Birthday Papang @jasonfrancisco11 , mahal ka nmin ”
Maraming netizen din ang nagpaabot ng kanilang mga birthday greeting para kay Jason.
“ang galing ng mga Angels ng Melason, Malaki na sila at gumaganda. Melason ForEver, happy birthday jasonGod bless sa Melason Family
””Happy birthday Jason stay in love with your family hi Melai,Mela and Steya ingat kayo lagi and God bless to you all
”
“Blessed birthday jayson Godbless with your happy family po”
The post Jason Francisco, sinurpresa nina Melai at kanilang mga anak sa kanyang ika-33 taong kaarawan appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments