Andi Eigenmann, pinabulaanan ang sinabi ni Albie Casiño na hindi pa siya nakakahingi ng tawad sa naging isyu nila noon tungkol sa unang pagbubuntis ni Andi

Usap-usapan ngayon sa social media ang naging sagot ng aktor at dating kasintahan ni Andi Eigenmann na si Albie Casiño sa tanong ng isang netizen kaugnay sa isyung kinasangkutan ng magkasintahan noon.

Credit: Albie Casiño Instagram        

Kasabay kasi ng pag-anunsyo ni Andi sa kanyang pagbubuntis sa pangalawang anak nila ng professional surfer na si Philmar Alipayo ay may isang netizen ang nagtanong kay Andi kung nag-sorry na ba ito sa dating kasintahan na si Albie.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Sa isang retweeted post ng isang netizen sa tweet ng ABS-CBN tungkol sa pagbubuntis ni Andi ay nagtanong ang netizen, “nagsorry ka na ba kay albie? charot”.

Sumagot sa naturang tanong ng netizen si Albie at ipinost ito sa kanyang Instagram story, “Hindi pa” na may kasama pang “crying emoticons”.

Credit: Albie Casiño Instagram

Matatandaang naging laman noon ng mga balita ang magkasintahan dahil sa sinabi ni Andi na si Albie ang ama ng kanyang anak na si Adianna Gabrielle o Ellie.

Ngunit bago pa akuin ang responsibilidad bilang ama ni Ellie, humingi muna ng DNA test si Albie para patunayan ang sinasabi ni Andi.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Taong 2016 naman nang mapatunayan ng kampo ni Albie na hindi talaga siya ang tunay na ama ni Ellie dahil sa resulta ng DNA test.

Credit: Albie Casiño Instagram

Bukod dito ay kinumpirma rin ng kapatid ni Andi na si Max Eigenmann na ang dating nobyo at apo ni dating pangulong Joseph “Erap” Estrada na si Jake Ejercito ang ‘biological father’ ni Ellie.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Samantala, sa panayam naman ni Albie kasama ang ina nito sa Kapamilya show na Magandang Buhay noong 2018 ay inamin ng kanyang ina na nagka-anxiety daw si Albie dahil sa isyu ng pagkakaroon niya ng anak.

Credit: Albie Casiño Instagram

Binasag naman ni Andi ang kanyang katahimikan tungkol sa isyu at pinabulaanan ang sinabi ni Albie na hindi pa siya nakakahingi ng paumanhin dito.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Sinabi ni Andi, “Not that I owe you any sort of explanation, but since you’re the only one that has tagged me in this, I actually already have. (You can ask him that too,)”

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Idinagdag pa ni Andi na, “You and the rest of the public are not aware, because I never owed you that apology. I owed that to him. You see, it’s one thing not to have given forgiveness. That’s something I can’t control. But it’s also another thing to say otherwise.”

Credit: Andi Eigenmann Instagram

“I think the fact that I’ve been blessed to have such a wonderful life after everything is enough proof that I’ve grown to become far different from the person I once was.”

The post Andi Eigenmann, pinabulaanan ang sinabi ni Albie Casiño na hindi pa siya nakakahingi ng tawad sa naging isyu nila noon tungkol sa unang pagbubuntis ni Andi appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments