Pagkanta ng anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Baby Ziggy ng alphabet song, nagbigay ng tuwa sa netizens

Sabi nga nila ang mga unang salita ng isang bata ay parang musika sa tainga ng kanilang magulang.

Kaya naman hindi maitago ni Kapuso ‘Primetime Queen’ Marian Rivera ang kanyang kasiyahan dahil unti-unti nang natututong magsalita ang bunsong anak nila ni Dingdong Dantes na si Jose Sixto o mas kilala rin sa kanyang palayaw na ‘Ziggy’.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Sa kanyang Instagram ay masayang ibinahagi ni Marian ang isang video kung saan mapapanood si Baby Ziggy na kumakanta ng alphabet song.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Nagsisimula pa lang si Baby Ziggy na matuto kung paano kantahin ang alphabet song kaya napapatigil ito kapag hindi na alam ang susunod na letra sa kanta.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Makikita naman sa video pursigido si Baby Ziggy na sabayan ang batang kumakanta sa video na kanyang pinapanood sa kanyang Ipad.Hindi ka naman magsasawang panoorin ang video dahil sa mala-anghel na mukha ni Baby Ziggy.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Nakakaaliw din ang napaka-cute na ekspresyon ng mukha nito habang pinipilit na kantahin ang alphabet song.Sa background naman ay maririnig ang tawa ni Marian at ng kanyang panganay na anak na si Zia habang pinapanood si Baby Ziggy na kinakanta ang alphabet song.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Sa caption ng kanyang Instagram post, ay inihayag ni Marian ang kanyang tuwa sa panibagong milestone ng anak. Ani Marian sa caption ng kanyang Instagram video, “ABC’s ala Sixto…Thank you anak for adding joy into our home #TuwangtuwaSiNanay”

Aliw na aliw naman ang maraming netizen sa video ni Sixto.
Sa katunayan, sa panahong isinusulat ito ay umabot na sa mahigit 1 milyon ang views ng video ni Baby Ziggy.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Narito naman ang ilang komento ng netizens sa nakakaaliw na pagkanta ni Baby Ziggy ng alphabet song.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

“GOOD JOB SIXTO!!! Kayang-kaya mo yan!!!Haha. May you grow up healthy, smart and kind like your mom & dad””Napakacute naman ng batang yan…mmarunong na mag-Alphabet…””Ang gwapo Galing galing naman baby Sixto””Sarap ng tawa ni nanay at ate mo bunso. Galing galing naman”
“Waaaah! Galing ni Baby Sixto…My virtual inaanak.”

 

View this post on Instagram

 

ABC’s ala Sixto… 🥰🤣🤩 Thank you anak for adding joy into our home 😍 #TuwangtuwaSiNanay

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes 🇵🇭 (@marianrivera) on


Samantala, nitong April 16 lamang ay ipinagdiwang nina Marian at Dingdong ang unang kaarawan ni Baby Ziggy.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Simple lamang ang naging birthday celebration ni Baby Ziggy dahil na rin sa bawal muna ang malakihang party ngayon bunsod ng mga ipinapatupad na community qu@rantine at l0cd0wn sa bansa.

The post Pagkanta ng anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Baby Ziggy ng alphabet song, nagbigay ng tuwa sa netizens appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments