Sheena Halili at Jeron Manzanero, nagcelebrate ng kanilang 4th year anniversary

Sa post ni Sheena Yvette Halili- Manzanero noong August 15 ay makikitang nag-celebrate sila ng asawa niyang si Jeron Manzanero ng kanilang 4th year anniversary. Makikita sa nasabing post ang picture nila ng kanyang asawa na tila nakuhanan sa kanilang naging photosh00t. Sila ay “matchy” sa kulay ng kanilang suot na black. Naka- piggyback ride naman si Sheena kay Jeron. Mapapansin din ang kanilang mga maaliwalas na mga ngiti.

May caption ang post na “4 years ♥.” Kung bibisitahin naman ang Instagram account ni Jeron ay may ibinahagi rin siyang post na may kaparehong caption ng kay Sheena. Ang makikitang picture naman sa nasabing post ay isang solo candid picture ni Sheena. Sila ay nasa ibang bansa kung saan winter season. Mapapansing nabalot ng snow ang lokasyon kung nasaan sila at si Sheena naman ay naka winter jacket.

Matatandaang noon taong 2018 nang magpropose si Jeron kay Sheena sa isang cinema sa Greenhills. Habang ang Wedding naman ng dalawa ay naganap noong February 23,2020. Ang Christian wedding ceremony ay dinaluhan ng kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan pati na rin ng mga ibang kasamahan ni Sheena sa showbiz.

Maaalalang ang mga kilalang personalidad na dumalo noon ay sina Marian Rivera, Jennylyn Mercado, Camille Prats, at Pasig City Mayor na si Vico Sotto. Si Sheena Halili ay isang personalidad sa industriya ng showbiz. Nakilala siya sa mga iba’t ibang projects na ibinigay sa kanya kung saan naipamalas niya ang kanyang galing sa pag-arte.

Ang napangasawa niya namang si Jeron Manzareno ay isang Lawyer na kasalukuyang nagtatrabaho bilang Pasig City Administrator. Noong taong 2021 ay ipinagdiwang na nila ang kanilang 1st wedding anniversary.

December 12, 2020 naman nang i-welcome nila ang kanilang first child. Ang kanilang first born child ay isang baby girl na ipinangalanan nilang Martina Candice. Makikita ang account ni Sheena sa Instagram na punong-puno ito ng mga pictures ng baby girl.

Dahil sa madalas na pagpost ng mga pictures ni Sheena simula noong pagkapanganak ni Martina hanggang ngayon ay masasaksihan sa mga ito ang paglaki ng baby. Nang August 12 lamang nang mag 8 months old si Martina.

Makikita naman ang mga iba nilang updates sa buhay sa kanilang mga vlogs na mapapanood sa sariling Youtube channel ni Sheena Halili.

The post Sheena Halili at Jeron Manzanero, nagcelebrate ng kanilang 4th year anniversary appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments