Gladys Reyes, ibinahagi ang masayang pamilya nila ng aktor na si Christopher Roxas

Sa latest post ni Gladys Reyes, ibinahagi niya ang isang family picture nila kung saan makikitang silang anim sa pamilya ay pare-pareho ang disenyo ng suot. “Have a stress-free weekend with your family and loved ones.” Ang sabi ng aktres sa kanyang caption. Ibinahagi ng aktres ang Instagram post na ito sa kanyang account noong weekends.

Credit: Gladys Reyes-Sommereux instagram

Masasaksihan ang buong pamilya sa captured photo na ito. Talaga nga namang stress-free ang weekends lalo na kung iaalay mo ang oras at pahingang ito sa pamilya o mga mahal sa buhay.
“@twiloph for our matching clothes ?” dagdag pa niya sa caption. Hindi niya nakalimutang pasalamatan ang pinanggalingan ng kanilang mga outfits. Kapansin-pansin sa mga pictures ang kanilang mga ngiti at lalo naman ang kanilang mga suot na damit.

Credit: Gladys Reyes-Sommereux instagram

Ang kanilang mga outfits ay para-parehong kulay black and white na may maliliit na mga details.
Hindi lang hashtag “ootd” ang nababagay na hashtag sa post kundi pati na rin hashtag “matchy” dahil sa kanilang pare-parehong suot.

Credit: Gladys Reyes-Sommereux instagram

Sa mga susunod pang pictures ay makikita naman ang picture ng Sommereaux Ladies na sina Gladys at Aquisha habang sa susunod pang picture ay makikita naman ang picture ng mga Sommereaux men na sina Christopher, Christoph, Grant at Gavin.

Credit: Gladys Reyes-Sommereux instagram

Patuloy pa rin ang pagiging active ng pamilya kahit na sila ay nasa loob lamang ng bahay dahil sa quarantine period ngayong panahon ng pandemya. Silang lahat ay laging nagkakaroon ng quality time sa loob ng isang araw sa kabila ng sari-sariling mga schedule. Walang boring moments tuwing sila ay magkakasama.

Credit: Gladys Reyes-Sommereux instagram

Si Christopher at panganay na lalaking si Christoph ay nagbobonding sa pamamagitan ng pag-work out ng sabay at pagte-training ng boxing. Ang dalawang ladies naman na sina Gladys at nag-iisa niyang babaeng anak na si Aquisha ay nagda-dance work outs o kaya naman minsan ay nagbibihis ng mga matching outfits.

Credit: Gladys Reyes-Sommereux instagram

Sina Jean Christophe Sommereaux at Gladys Sommereaux na mas kilala sa kanilang mga screen name na Christopher Roxas at Gladys Reyes ay parehong kabilang sa industriya ng showbiz. Bukod sa showbusiness, busy rin ang dalawa sa kanilang restaurant business na nag-ooffer ng catering services.

Credit: Gladys Reyes-Sommereux instagram

Pinagkakaabalhan din ni Gladys ang kanyang online acting class kung saan naibabahagi niya sa kanyang mga estudyante ang kanyang mga natutunan sa iba’t iba at maraming acting experience niya.

The post Gladys Reyes, ibinahagi ang masayang pamilya nila ng aktor na si Christopher Roxas appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments