Anak nina Drew Arellano at Iya Villania na si Leon, nagdiwang na ng kanyang ika-3 taong kaarawan

Kamakailan lang nang magdiwang ng kaarawan ang second child ng Team Arellano. Si Leon Arellano na anak nina Iya Villana at Drew Arellano ay nag- 3 years old. Ang adorable little boy ay nagkaroon ng simple celebration sa kanilang bahay kasama ang kanyang mga magulang at mga kapatid na si Primo at Alana.

Credit: Drew Arellano instagram

Na-enjoy at nai-celebrate pa rin nila ang quarantine birthday niya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng quality time together ng pamilya. Ang mga Arellano boys ay naglaro ng mga video games kasama ang kanilang Papa Du o si Drew. Makikita naman si Leon na ine-enjoy ang kanyang snacks habang naglalaro.

Credit: Drew Arellano instagram

Pinagamit naman ni Drew ang dati niyang game controller kay Alana upang makasabay kahit papaano sa kanyang mga kuya. Mayroon ding natanggap na dalawang cake si Leon na nanggaling sa malaking brand na kanilang ine-endorse bilang pamilya. Ibinahagi ito ni Iya sa kanyang Instagram Story.

Credit: Drew Arellano instagram

Binati ng mag-asawa ang kanilang pangalawang anak sa kani-kanilang mga Instagram account.
Makikita sa Instagram post ni Iya ang ilang pictures ni Leon kung saan ibinibida niya ang kanyang mga ngiti at pagiging “little oppa”. Mababasa sa caption ng post ang birthday message ni Iya para sa anak.

Credit: Drew Arellano instagram

“My little spunky boy ❤ this boy is intense with both his @ng3r and sweetness ? love you and your tight hugs with both arms and legs wrapped around me, my little love! ❤ and your little voice that always says “please” and “thanks you” before what you request for is even done! ? love you to bits my little cr@zy man!! ❤ Happy 3rd birthday, baby love!!! ?”

Credit: Drew Arellano instagram

Habang sa post naman ni Drew ay ibinahagi niya ang isang solo picture ni Leon kung saan masasaksihan din ang kanyang malaking ngiti. “Happy birthday to my Lil big boss! The most adorable m0nster!? Love you lots!” ang sabi ng celebrity dad sa kanyang greetings.

Credit: Drew Arellano instagram

Pangalawa si Leon sa tatlong magkakapatid. Siya ang “baby bro” ni Primo at “kuya” ni Alana.
Si Alonzo Leon Arellano ay isa sa mga celebrity babies na sinusubaybayan ng mga netizens sa social media. Lalo siyang nakilala sa kanyang “k!ll3r smile”.

Noong August 19 nang mag-celebrate ng 3rd birthday si Leon. Sa August 30 naman ay ise-celebrate ang birthday ng kanyang kuya Primo.

The post Anak nina Drew Arellano at Iya Villania na si Leon, nagdiwang na ng kanyang ika-3 taong kaarawan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments