Baby Amari, cute na cute sa kanyang ika-11 buwang selebrasyon

Siguradong hanggang ngayon ay tandang-tanda at naalala pa ng mga netizens ang naging panganganak ng magaling at magandang aktres na si Coleen Garcia dahil sa kakaibang paraan na ginawa rito kaya naman maraming netizens ang nagbahagi ng iba’t ibang reaksiyon dito.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Kaya naman matagal-tagal din itong pinag-usapan ng madla. Matatandaang ipinanganak ni Coleen ang panganay na anak nila ng kanyang asawa na si Billy Crawford sa pamamagitan lamang ng water birth na isang hindi common na paraan at malayong-malayo sa tradisyonal na panganganak.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Kung saan tapang at determinasyon ang kailangan upang maging successful at safe ang magiging natural na panganganak ni Coleen kaya nang ibinahagi ang naging proseso sa publiko, maraming netizens ang napa-bilib at napa-hanga sa tapang na ipinakita ni Coleen.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Safe at healthy namang ipinanganak ni Coleen ang first baby boy nila ni Billy at ipinangalanan nila ito bilang Baby Amari. Simula noon ay lagi nang ibinibida ni Coleen at Billy ang kanilang unico-hijo dahil sa kanyang walang sawang cuteness na ipinapakita at araw-araw na kakulitan.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Hindi na nga napapansin ng mga netizens kung gaano na ka-tagal ang lumipas mula nang mapag-usapan ang naging panganganak ni Coleen dahil kay bilis nga namang lumipas ng panahon at ngayon ay 11 buwan na ang lumipas.

Sa mga recent post ni Coleen sa kanyang Instagram account ay nagbahagi ito ng naging selebrasyon nila ng ika-11th month ng kanilang panganay na anak. Sa isang post ay makikitang binati ni Coleen ang kanyang anak at nagbahagi ng mga letrato kasama ito.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Sa mga letrato ay makikitang masayang-masayang karga-karga ng aktres si Baby Amari na hindi rin mapigilan ang sayang nadarama dahil sa kanyang matatamis na ngiting ipinapakita sa letrato. Halatang-halata na mayroong malapit na relasyon ang mag-ina dahil mapapansin kung paano ngumiti ang mga ito.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Hindi rin nito akalain kung gaano ka-bilis lumipas ang panahon dahil sa kanyang mixed emotions na caption. Kahit na mayroon nang anak si Coleen ay talagang hindi mawawala kung gaano ito ka-blooming at fresh na fresh ang itsura. Hindi talaga kumukupas ang kanyang natural na ganda.

The post Baby Amari, cute na cute sa kanyang ika-11 buwang selebrasyon appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments