Bianca King, ibinahagi ang kanilang naging simpleng ngunit masayang kasal ng boyfriend na si Ralph Wintle

Matatandaang huling napanood at nakita ng mga netizens ang aktres na si Bianca King sa dalawang teleserye drama ng ABS-CBN na “Pusong Ligaw” at “H@lik” matapos nitong lumipat sa ABS-CBN noong 2017

Credit: Bianca King instagram

Nag-umpisa ang aktres sa pagshowbiz sa isang teen-oriented TV show noong 2004. Ang aktres ay marami ring naging proyekto dati dahil noong 2018 ay ipinagdiwang niya ang kanyang ika-14 taon sa showbiz.

Credit: Bianca King instagram

Maraming mga netizens din ang nakakamiss sa dating aktres ngunit nitong Biyernes lamang ay masayang ipinabatid ni Bianca sa kanyang Instagram account ang napaka-gandang balita.
Nitong Biyernes ay nagpost ang dating aktres sa kanyang Instagram account ng wedding picture nila ng kanyang asawa na si Ralph Wintle na ginanap mismo sa kanilang living room sa Sydney, Australia.

Credit: Bianca King instagram

“Married in our living room” ito ang caption ni Bianca sa kanyang post. Maraming kapwa celebrity ni Bianca ang nagpa-abot ng kani-kanilang mga pagbati tulad nina Jackie Lou Blanco, Raymond Gutierrez, Bianca Elizalde at Joey Mead King.

Credit: Bianca King instagram

Tulad ng nakakarami ay nagulat ang mga ito at sobrang saya para kay Bianca. Ang iba ay hindi mapigilang mapakita ang kanilang excitement para sa dating aktres. Ang napangasawa ni Bianca na si Ralph Windle ay kapatid ng asawa ni Iza Calzado na si Ben Wintle kaya naman hindi rin nagpahuli sa pag kumento si Iza sa kanyang bagong sister-in-law.

Credit: Bianca King instagram

“Welcome to the family,” komento ng aktres na si Iza Calzado sa post ni Bianca.
Ang aktres ay sumagot naman sa komento ni Iza at sinabing, “sup, Mrs. Wintle! Hahaha.”
Mararamdaman ang saya ng dating aktres dahil pareho na sila ng kanyang sister-in-law ng apelyido.
Samantala, nitong Sabado lamang ay nagpost nanaman ang dating aktres ng mga letrato noong ikinasal sila ng kanyang asawa.

Credit: Bianca King instagram

Ayon kay Bianca, ang kanyang pagpapakasal ang naging magandang nangyari sa kanya sa gitna ng p@nd3mya. Kung hindi lamang ito na”stuck” sa Australia bago ang p@nd3mya ay tiyak na magk@k@hiw@lay sila ni Ralph ng ilang taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by www.biancaking.com (@bianca_king)

“But the Universe decided I would arrive in Sydney a few days before the borders closed. Without any closure on my Manila life, I settled in Australia.” Saad pa ni Bianca sa kanyang caption. Walang anumang pag-sisisi ang aktres sa kanyang naging desisyon, mas malaki nga ang kanyang pasasalamat na tama ang kanyang desisyon na lumipad ng Australia noon.

The post Bianca King, ibinahagi ang kanilang naging simpleng ngunit masayang kasal ng boyfriend na si Ralph Wintle appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments