Sunshine Cruz, proud mom sa kanyang pangalawang anak na si Samantha na nakapagtapos ng junior high school

Lubos ang pagka-proud mom ni Sunshine Cruz sa kaniyang pangalawang dalaga na si Sam Cruz, dahil bukod sa pagiging parte nito ng Music industry ay nakapagtapos na ito ng junior high school sa De La Salle Santiago Zobel School.

Credit: Sunshine Cruz instagram

Sa Instagram post ng aktres at inang si Sunshine Cruz, ibinahagi niya ang mga larawan kasama ang anak sa naging virtual graduation nito.

“Congratulations Sam! It is such a heart-filling moment seeing you graduate from Junior High School onwards to Senior High! These are definitely moments that cannot be replaced,” Saad niya sa kaniyang caption.

Credit: Sunshine Cruz instagram

Si Sam ay pangalawang anak ni Sunshine Cruz sa dating as@wang si Cesar Montano, may kapatid itong sina Angelina at Chesca.

Credit: Sunshine Cruz instagram

Bukod sa pag-graduate ni Sam Cruz sa junior high school mula sa De La Salle Santiago Zobel School, pinasok rin nito ang industriya ng musika noong buwan ng Enero, nakaraang taon ng 2020. Matapos nito ay napabilang din siya sa four member singing group mula sa Sta Magic na The Squad Plus.

Credit: Sunshine Cruz instagram

“Congratulations Sam! It is such a heart-filling moment seeing you graduate from Junior High School onwards to Senior High! These are definitely moments that cannot be repl@ced. Thank you for fulfilling your promise to me that even if you have started your career in show business and have been busy, you still made sure that you made your studies a top priority in your now many obligations.

Credit: Sunshine Cruz instagram

We are proud of you #proudmom” Ang kabuuan ng caption ni Sunshine Cruz para sa selebrasyon ng kaniyang anak. Nitong nakaraang Pebrero rin ay ibinahagi ni Sunshine Cruz ang kasiyahan sa Instagram nang makasali ang kaniyang panganay sa Dean’s Lister sa unang taon nito sa Kolehiyo.

Credit: Sunshine Cruz instagram

Ang kaniyang panganay ay kumukuha ngayon ng kursong Bachelor of Science in Marketing.
“Proud mom to Angelina! 1st year college (BS Marketing) and she is a Dean’s Lister! Congratulations anak!” saad nito sa naturang post noong Pebrero.

The post Sunshine Cruz, proud mom sa kanyang pangalawang anak na si Samantha na nakapagtapos ng junior high school appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments