Janella Salvador, may nakakakilig na birthday message sa kasintahan na si Markus Paterson

Noong nakaraang June 3, 2021, nagdiwang ng 23rd birthday si Markus Paterson kung saan binati siya ng kaniyang girlfriend na si Janella Salvador na ina rin ng kaniyang anak. Ibinahagi ni Janella sa kaniyang Instagram account ang mga favorite couple moments nila ni Marcus na may touching birthday message na..

“The only person who can annoy me but make my belly hvrt from laughing in a split second. The adventurous dude who balances out my lola-ness. The crazy to my crazy. You are so loved. Happy birthday.”

Si Janella Salvador ay isang aktres at singer na napabilang at bumida na sa iba’t ibang mga teleserye at programa sa network na ABSCBN. Si Markus Paterson naman ay Filipino-British, siya ay isang ring aktor, singer, television host, at atleta sa larangan ng football. Mula sa Britain, lumipat si Markus sa Pilipinas noong 2007 at tuluyan ding nanirahan at nagtrabaho dito.

Binati rin ni Jenine Desidiro na ina ni Janella si Markus sa kaniyang Instagram post na may caption na “Happy birthday, my “Big Son”!” kung saan ipinahayag niya din ang pasasalamat sa sayang dulot ni Markus at sinabi ding sila ay iisang pamilya na ngayon na laging mananatili sa tabi niya.

Ang nasabing post ay isang short video clip na kinunan habang hinihintay manganak si Janella na nasabing isa sa mga favorite moments niya.

Sa ngayon ay mahigit dalawang taon nang magkarelasyon ang dalawa. Matatandaang ipinaalam nila sa publiko ang kanilang relasyon noong September 12, 2020 sa pamamagitan ng pagpopost ni Markus ng video nila ni Janella sa social media.

Noong September 21 sa taong ding iyon ay nagrelease ng video ang kaibigan ni Markus na si Kyle Echarri kung saan taos puso niyang pinahayag ang pagmamahal niya para kay Janella at sinabing siya na ang kaniyang “loml” o “love of my life”.

Naranasan na rin nilang maging magkatrabaho sa Showbiz industry at ito ay sa isang episode ng MMK kung saan bumida si Janella sa pagganap bilang Moira dela Torre at Markus naman na gumanap bilang x-boyfriend nito. May mga speculations din na kumalat na pagkatapos ng proyektong ito ay doon nagsimula ang relasyon ng dalawa.

Biniyayaan naman ang real-life-partners ng isang anak na lalaki na pinangalanan nilang Jude Trevor. Ipinanganak si Jude noong October sa London kung saan nakabase ang pamilya ni Markus.

Bumalik sina Markus at Janella kasama ang anak sa Pilipinas noong February. Masasabing lalong tumibay ang relasyon ng dalawa ngayong mayroon na silang anak.

The post Janella Salvador, may nakakakilig na birthday message sa kasintahan na si Markus Paterson appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments