Andi Eigemann, proud na proud sa anak na si Ellie na naging cover nanaman ng magazine kasama ang amang si Jake Ejercito

Ellie Eigenmann Ejercito muli nanamang nag cover ng isang magazine kasama ang kanyang daddy na si Jake Ejercito. Nakapaloob sa magazine ang modern way parenting kung saan ito na rin ang nakalakihan ng mga Ejercito, kung kayat bagay na bagay sakanila ang project.

Credit: Jake Ejercito instagram

Sa mga larawan ng nasabing magazine, makikita ang closeness ng mag amang si Jake at Ellie at mababanaag mo ang sweetness nila at ang pagiging Daddy’s Girl nito. Ishinare nga agad ni Jake ang mga nag gagandahang larawan sa kanyang social media account at sinabing “You’ll see the most stereotypical guy bravely navigate the world of unicorns and rainbows all just to win his daughter’s heart.”

Credit: Jake Ejercito instagram

Kasama sa nasabing magazine maging ang mga kapatid ni Jake na sina Jerika at Jacob Ejercito na very proud sa kanilang pamilya sa kung paano sila pinalaki ng kanilang mga magulang na pantay pantay ang trato sa bawat isa.

Credit: Jake Ejercito instagram

Si Ellie Eigeneman o Adrianna Gabrielle Eigenman sa totoong buhay ay bunga ng pagmamahalan ni Jake Ejercito at Andi Eigenman na isinilang noong November 2011. Bagamat anim na taon na mula ng m@ghiwalay ang magkasintahan, sinisiguro pa rin ni Jake na nakakapaglaan ito ng oras para makabonding ang anak every other week.

Credit: Jake Ejercito instagram

Sinabi ni Jake sa nasabing magazine na hindi madaling maging ama sa murang edad pero very rewarding naman daw kung maituturing. Ibinahagi rin niya na napabilis ang kanyang maturity ng gampanan nito ang kanyang fatherly duties sa kanyang anak.

Credit: Jake Ejercito instagram

Wika niya “I had to rethink my priorities and efforts and find the right balance with Ellie at the core of it all.” Noong formative years ni Ellie ay naninirahan sa ibang bansa si Jake upang tapusin ang kanyang pag-aaral. Ng magbalik bansa ito ay 6 years old na si Ellie kung kayat dobleng effort ang kanyang ginawa upang mapag tagumpayan na makuha ang loob ng kanyang unica hija.

Credit: Andi Eigenmann instagram

Ibinahagi rin ni Jake na over ther years ay natutunan na nila ni Andi na balansehin ang kanilang co parenting. Open communication daw ang naging susi upang mapagtagumpayan nila ito at mapalaki ng maayos ang kanilang anak.

The post Andi Eigemann, proud na proud sa anak na si Ellie na naging cover nanaman ng magazine kasama ang amang si Jake Ejercito appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments