Nag-gagandahang throwback pictures ni Dawn Zulueta, kinaaliwan ng mga netizens

Ang aktres na si Dawn Zulueta ay walang kupas ang angking kagandahan at ito ay mapapatunayan sa kaniyang ipinost na throwback picture noong julyo 23 taong 2020 sa kaniyang Instagram. Ang naging caption ng post niya ay “1988: Big hair, oversized shoulder pads, high heels 🏈👠 .. What cool girls were wearing to parties in the #80s 🙈 #throwbackthursday”

Sa post na iyon ay agad bubungad sa iyo ang agaw pansin niya na hairstyle na kulot at napakaraming volume na buhok. Sa larawan ay kitang kita ang natural beauty ni Dawn Zulueta mula noon hanggang ngayon. Si Dawn ay 51 na taong gulang na ngayon ngunit tila ba ay konti lamang ang pinagbago ng kaniyang itsura dahil parang hindi makikita sa kaniyang mukha ang pagtanda.

Sa throwback photo ni Dawn ay maraming mga fans ang nag-iwan ng komento sa larawan ng kanilang idolo at narito ang iilan sa kanilang saad:

“No wonder na naging crush ng bayan kayo during ur time because of ur stunning beauty. Super ganda mula noon hanggang ngayon.” “Hindi parin kumukupas ang ganda mo po mama dawn”
“Kamukha mo po si yassipressman”

May mga ilang komento rin ang nagsasabi na sa litrato umanong iyon ay kahawig ni Dawn Zulueta si Yassi Pressman. Si Dawn Zulueta ay napapabilang sa mga artistang hindi malilimutan ng mga Pilipino dahil sa kaniyang angking kagandahan at talento sa pag-arte.

Nagsimula sa larangan ng showbiz si Dawn noong taong 1986. Siya lamang ang Pilipinong aktor na nag-uwi ng dalawang major awards sa loob lamang ng isang taon na Best Actress at Best Supporting Actress sa 1992 FAMAS Awards.

Siya rin ay lumitaw bilang isa sa mga Top 10 Filipina Actress of the 1990s list of 1999 ng Manila Standard. Ang asawa ni Dawn ay si Anton Lagdameo at sila ay nagcelebrate na ng kanilang ika-22 na anibersaryo. Sila ay may dalawang anak ngayon.

The post Nag-gagandahang throwback pictures ni Dawn Zulueta, kinaaliwan ng mga netizens appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments