Aiai Delas Alas, masayang ibinahagi na sya ay proud sa kanyang asawang si Gerald dahil nakapagpundar ng isang luxury na sasakyan

AiAi delas Alas proud bilang isang misis sa kanyang asawa na si Gerald Sibayan matapos mabili ang pinapangarap na Mercedes Benz. Sa instagram ibinahagi ng komedyante na si AiAi ang larawan ng kanyang asawa habang nakatayo nga ito sa gilid ng kanyang bagong sasakyan na Mercedes Benz.

Credit: AIAI DELAS ALAS instagram

“Flex ko lang and asawa kong masipag at determinado sa buhay… nakakatuwa ‘tong tao na ‘to pag sinabi nya mangyayari talaga nagugulat na lang ako,” Ang sabi ni AiAi sa kanyang caption.
“So eto na nga may Benz na ang lolo natin… I am so proud of you husband pawer!!! Dagdag pa niya.

Credit: AIAI DELAS ALAS instagram

Sinabi rin ni AiAi na napag uusapan na nilang mag asawa noong December ang kagustuhan na bumili ng mamahaling sasakyan ng asawa nyang si Gerald na talaga naman pinapangarap nito.
At sinasabi nga ni Gerald na meron naman itong pera dahil nga sa “law of attraction” na makakabili siya ng Mercedes Benz.

Credit: AIAI DELAS ALAS instagram

Medyo nain!s naman etong si AiAi ng kanilang pag usapan ulit noong January ang tungkol sa bibilhin na sasakyan ni Gerald. At nang malapit na nga ang Valentine’s Day ay sawakas pinayagan na rin ni AiAi na bilhin ni Gerald ang pangarap nitong sasakyan.

Credit: AIAI DELAS ALAS instagram

Natuwa naman si AiAi ng makita nya na may pera naman talaga si Gerald at nakaalan nga ito para sa pagbili nya ng sasakyan.

Credit: AIAI DELAS ALAS instagram

“Pumayag na din ako, gift niya sa sarili niya sabi ko. Atsaka pinakitaan na ko ng ipon niya na nagulat ako kay Mr. Law of Attraction may pera pala talaga,” Ang sabi pa ni AiAi. “Nakita ko naman paano siya maghirap sa araw-araw, magpuyat sa presentation para sa maga bagong franchisee, walang oras puyat to the max dahil ibang franchisee nasa ibang bansa na iba-iba oras,” Dagdag pa niya.

Naging magkasintahan sina AiAi at Gerald noong 2014 at kinasal nga sila noong 2017.

The post Aiai Delas Alas, masayang ibinahagi na sya ay proud sa kanyang asawang si Gerald dahil nakapagpundar ng isang luxury na sasakyan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments