Vico Sotto, binisita ang kanyang amang si Vic Sotto at kapatid na si Tali makalipas ang 9 na buwan

Sa wakas, makalipas ang siyam na buwan, ay nagkita muli ang mag-amang Vic Sotto at Mayor Vico Sotto.

Nitong December 24, ay nag-post si Mayor Vico sa kanyang Instagram account ng litrato nila ni Bossing Vic at ng kanyang kapatid na si Tali. Dinalaw ni Mayor Vico ang kanyang ama at kapatid isang araw bago magpasko.

Credit: Vico Sotto Instagram

Noong March pa huling nakita ni Mayor Vico ang kanyang ama. Kaya naman kitang-kita sa mukha ng mag-ama ang saya sa kanilang reunion.

“First time to see Papa, Pauleen, and Tali after 9 MONTHS!,” sulat ni Mayor Vico sa caption ng kanyang post.

Binati rin ni Mayor Vico ang lahat ng isang maligayang Pasko.

Payo rin niya sa lahat na dapat ay ‘sulitin’ nila ang kanilang oras kasama ang kanilang pamilya ngayong Pasko.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“For those of you who are able to spend time with your loved ones this Christmas – make the most of it! For those who are unable to do so because of work, quarantine, or other circumstances, let’s still find ways to celebrate the spirit of Christmas with one another.. kahit virtually lang muna,” ani Mayor Vico.

Dagdag niya, “Nawa’y sa gitna ng maraming pagsubok ay maipadama pa rin natin sa isa’t isa ang tunay na diwa ng Pasko. MERRY CHRISTMAS! 🎄

Noong nakaraang December 8, binisita din ni Mayor Vico ang kanyang kuya Oyo Boy Sotto sa set ng “Daddy’s Girl”.

Iyon rin ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ni Mayor Vico ang kanyang kapatid. Tulad ng kanyang Daddy Vic, huling nakita rin ni Mayor Vico si Oyo Boy noong March.

Credit: Vico Sotto Instagram

“First time to see Kuya Oyo since March!!! Visited them on the set of Daddys Girl in Pasig’s very own Rainforest AdVenture Experience Park,” caption ni Mayor Vico sa larawan na kanyang ipinost kung saan ay kasama niya ang kanyang Kuya Oyo at ilang cast ng “Daddy’s Girl”.

“Binisita ko sila para maningil ng fees. Actually, nung una nahihiya yung mga empleyado ng LGU na singilin ang M-Zet Productions ng fees, dahil alam nilang kay Papa yun. Pero nung nalaman ko to, ang sabi ko, MAS LALONG DAPAT singilin pag kamag-anak ko!! Ma-check nga bukas kung bayad na sila…,” dagdag ni Mayor Vico.

Si Mayor Vico ay anak ni Vic Sotto sa batikang aktres na si Coney Reyes. Siya ngayon ay kasalukuyang naglilingkod bilang alkalde ng Pasig City.

Credit: Vico Sotto Instagram

Kamakailan ay laman ng balita si Mayor Vico matapos siyang hirangin ng PeopleAsia magazine bilang isa sa kanilang “People of the Year” dahil sa kanyang natatanging pagtugon sa s@kit na c0vid-!9 sa kanyang bayan.

The post Vico Sotto, binisita ang kanyang amang si Vic Sotto at kapatid na si Tali makalipas ang 9 na buwan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments