Glaiza De Castro, ikakasal na sa kanyang Irish boyfriend na si David Rainey!

Humabol ang aktres na si Glaiza de Castro sa listahan ng mga artista na na-engage ngayong 2020. Nitong Christmas Eve, ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account na engaged na sila ng kanyang Irish businessman boyfriend na si David Rainey.

Credit: Glaiza De Castro Instagram   

Nag-post si Glaiza ng larawan niya sa Instagram kung saan ay masaya niyang ipinakita ang kanyang engagement ring.

Sa isa namang larawan ay makikita ang poging boyfriend ni Glaiza na ngayon nga ay soon-to-be-husband na niya na hawak ang kanyang kamay.

Nag-propose si David sa aktres sa gitna ng “freezing cold weather” ng Ireland noong December 16. Pakiramdam naman ni Glaiza na perfect ang moment nang sinagot niya ng ‘yes’ si David.

Credit: Glaiza De Castro Instagram

“Who would’ve thought I’d say yes in freezing cold weather. …it just felt right. 🍾🎄💍,” pahayag ni Glaiza sa caption ng kanyang Instagram post.

Masaya naman ang maraming kaibigan ni Glaiza sa showbiz para sa kanyang engagement.

Komento ng bff ni Glaiza na si Angelica Panganiban, “Grabe yung launching!! 😘 Congrats again Mr. & Mrs. Rainey 💕

Credit: Glaiza De Castro Instagram

Ayon naman kay Solenn Heaussaff, “So happy for you!!!😍😍 congrats!!”

Saad naman ni Alessandra De Rossi, “Yaaaaaaah! 😘😘😘😘😘😘 Heto naaa!”

Mahigit dalawang taon nang magkasintahan sina Glaiza at David.

Nitong September ay ipinagdiwang nila ang kanilang ika-2 taong anibersaryo.

Credit: Glaiza De Castro Instagram

Reunited muli sina Glaiza at David pagkatapos ng ilang buwan na pagkakalayo nila sa isa’t isa. Ngayong taon ay nagtungo sa Ireland si Glaiza para doon mag-celebrate ng Pasko kasama si David at ang pamilya nito.

Ito ang unang beses na magpapasko si Glaiza sa lugar ni David.

Sa panayam ni Lhar Santiago sa aktres para sa 24 Oras, ikwenento ni Glaiza na nanibago umano siya sa malamig na klima ng Ireland.

Ani Glaiza sa panayam, “Medyo nakakapanibago lang kasi galing ka sa tropical country, e. Tapos once you get out of the house nandoon na ‘yung lamig, nandoon na ‘yung hangin na medyo talagang nagpe-penetrate doon sa kalamnan mo. Ha-hahaha!”

Credit: Glaiza De Castro Instagram

Nakakuwentuhan din ng reporter si David na nangako naman sa pamilya ni Glaiza na aalagaan niya ang dalaga kagaya ng pag-aalaga umano sa kanya ng mga ito noong nagbakasyon siya sa Pilipinas.

Ani David, “We will take care of her, keep her safe, keep her warm, make sure she has lots of nice foods. Like, when I was in the Philippines February to June, and Glaiza’s family took care of me. We will do the same.”

Unang nagkakilala ang si Glaiza at ang kanyang soon-to-be husband noong January 2018, sa araw ng kaarawan ni Glaiza, sa isla ng Siargao.

The post Glaiza De Castro, ikakasal na sa kanyang Irish boyfriend na si David Rainey! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments