Sen. Manny Pacquiao, nagdiwang ng kanyang ika-42 kaarawan sa kanilang mansyon sa General Santos City

Nagdiwang ng kanyang ika-42 taong kaarawan si boxing champ at senator Manny Pacquiao nitong December 17 sa kanilang mansyon sa General Santos City.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram     

Sa mga larawang ibinahagi ng kanyang misis na si Jinkee Pacquiao sa Instagram, makikita na intimate birthday party lamang ang naganap sa mansyon ng kanilang pamilya.

Simple lamang ito hindi tulad ng mga nagdaang birthday celebration niya na talaga namang engrande at dinaluhan ng napakaraming kilalang personalidad sa bansa.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Sa isang larawan ay makikita naman si Manny at ang kanyang bunsong anak na si Israel na sabay na hinipan ang kanyang Philippine flag inspired cake.

Bukod sa buong pamilya ni Manny ay dumalo rin ang malalapit niyang kaibigan sa kanyang kaarawan.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Isang sweet birthday message naman ang ipinost ni Jinkee kalakip ng mga larawan ni Manny mula sa mga nagdaang niyang bonggang birthday party.

“Happy happy birthday, Man of God, my babe!,” ani Jinkee.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Dagdag niya, “I’m a blessed wife because I have a husband with a rich and golden heart.”

Birthday wish ni Jinkee para sa kanyang asawa na biyayaan pa ito ng Diyos ng “boundless love, calming peace, wisdom, knowledge, and heavenly joy.”

“We love you so much,” ani Jinkee sa huling bahagi ng kanyang Instagram post.

Samantala, nitong December 13 ay nagdiwang naman ng kanyang ika-19 na taong kaarawan ang pangalawang anak na lalaki ni Manny na si rapper artist Michael Pacquiao.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Viral ang mag-amang Pacquiao dahil sa kanilang sweet at cute photo na ipinost ni Manny sa kanyang Instagram account.

Humanga ang netizens sa ka-sweetan ni Manny sa kanyang anak.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Kahit kasi binata na si Michael ay kinarga pa rin ito ni Manny na parang isang batang paslit.
Sinabi naman ni Manny na “always proud” siya kay Michael na gumagawa ngayon ng kanyang sariling pangalan sa music industry.

“Making my son a priority today. At the end of the day, family is everything. Always a proud dad here. Happy Birthday @pacquiao.michael,” caption ni Manny sa kanyang Instagram post.

Credit: Jinkee Pacquiao Instagram

Sa kasalukuyan, ay umabot na sa mahigit 200 libo ang nakuhang likes ng larawan nina Manny at Michael sa Instagram.

The post Sen. Manny Pacquiao, nagdiwang ng kanyang ika-42 kaarawan sa kanilang mansyon sa General Santos City appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments