Maine Mendoza at Arjo Atayde, masayang nagdiwang ng kanilang ika-2 taong anibersaryo bilang magkasintahan

Nagdiwang ng kanilang 2-taong pagsasama bilang magkasintahan sina “Eat Bulaga” host Maine Mendoza at aktor na si Arjo Atayde nitong December 21. Binati nina Maine at Arjo ang isa’t isa sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga sweet photo nila ng magkasama.

Credit: Maine Mendoza Instagram

Hindi mahilig maglagay ng mahabang caption si Maine sa tuwing binabati niya si Arjo sa kanyang mga social media post ngunit hindi naman ito isang isyu dahil makikita naman sa kanilang mga larawan ang wagas na pagmamahal nila para sa isa’t isa.

Simpleng “happy second” lamang ang inilagay ni Maine na caption sa masayang larawan nila ni Arjo.

Base sa larawan na ipinost ni Maine, mukhang nagtungo sila sa isang beach resort para ipagdiwang ang kanilang ika-2 taong anibersaryo bilang magkasintahan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde)

Nakangiti si Maine at Arjo sa camera habang nakaupo sa isang sun lounger. Si Arjo naman ay nagpahayag ng kanyang matinding pagmamahal kay Maine.

Sa larawan na ipinost ni Arjo sa kanyang Instagram account, makikita siyang niyayakap mula sa likod si Maine habang ito ay naka-wacky face pose.

Credit: Arjo Atayde Instagram

Caption ni Arjo sa larawan, “I love you more than you could possibly imagine. Happy 2nd Anniversary bubs!”

Kamakailan lamang ay nanalo bilang Best Actor in a Leading Role si Arjo sa 2020 Asian Academy Creative Awards para sa kanyang mahusay na pagganap sa iWant series na “Bagman” kung saan ay sinabi niya na idini-dedicate niya ang award kay Maine na kanyang “number 1 fan” at isa sa kanyang mga inspirasyon.

“I’m very happy and blessed of course. She knows naman what I have to say. I just dedicate this to her. She’s an inspiration to me. She’s my core and I’m happy,” ani Arjo sa isang panayam.

Habang si Maine naman ay inihayag sa isang Twitter post kung gaano siya ka-proud sa kanyang nobyo sa pagkapanalo nito bilang Best Actor sa prestihiyosong Asia-Pacific award-giving body.

Credit: Arjo Atayde Instagram

“Waaaaahhhh well-deserved!!!!! Wooot wooot congratulations, @AtaydeArjo!!!! [series of emoji] Biggest fan,” ani Maine sa kanyang post.

Enero noong nakaraang taon nang kumpirmahin ni Arjo na nagde-date sila ni Maine.

Sinundan naman ni Maine ang kumpirmasyon ni Arjo noong Marso 2 sa pamamagitan ng isang blog post na inupload niya sa kanyang blog site.

Sa nasabing blog ay walang paligoy-ligoy na sinabi ni Maine na nag-de-date nga sila ni Arjo.

Credit: Maine Mendoza Instagram

Ani Maine sa kanyang blog, “Again, without waiting any longer, here’s the statement you’ve been waiting for: It’s true, I am dating Arjo.”

Dagdag niya, “You might be waiting for an explanation as to why I chose him. Excuse me for saying this but…why not?”

The post Maine Mendoza at Arjo Atayde, masayang nagdiwang ng kanilang ika-2 taong anibersaryo bilang magkasintahan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments