Karaniwang isinisilang ang mga sanggol sa ospital sa pamamagitan ng normal delivery o ceasarean. Ngunit mayroong nadiskubre na kakaibang paraan ng panganganak, at ito ay ang Water Birth.
Ang water birth ay ang panganganak ng isang babae sa birthing pool na mayroong tubig at katuwang lamang ang midwife at doula. Sa latest vlog nina Coleen Garcia at Billy Crawford, ikinuwento nila ang naging experience sa home water birth ni Coleen.
Ayon sa aktres, wala siyang ininom na kahit na anong pa!nk!ller kaya naman hindi naging madali ang panganganak niya kay baby Amari.
“I was so happy pero I was so tired. Siyempre ramdam ko lahat. I didn’t have any p@in relievers, nothing. They made me lay down na to deliver the placenta but it was taking so long and it’s p@inful already,” aniya.
Hindi raw niya inaasahan na magiging matind! ang s@kit na mararamdaman niya ngunit dahil sa pakikinig at pakikiramdam niya sa kanyang katawan ay naging mabilis ang proseso ng pagsilang sa kanilang baby.
Kuwento naman ni Billy, ang placenta na inilabas ng kanyang misis ay inihalo sa isang fruit smoothie na ininom ni Coleen matapos siyang manganak.
“It is gr0ss, but I feel like na it had good effect on me,” ani Coleen.
Ang pag inom niya ng sariling placenta ay nakatulong raw sa agarang paggaling ng kanyang katawan. Ang ilang bahagi naman ng kanyang placenta ay kinorte na parang jewelry upang gawing memorabilia sa unang kapanganakan niya.
“This is OUR story, and Amari’s birth has been nothing but good and beautiful to us. Everyone’s story and experiences are different, so if you find yourself here, please share the good vibes with us! No disresp3ct and negativity please,” ayon sa description ng kanilang video.
Hindi pa gaanong sikat sa Pilipinas ang water birth ngunit nasubukan na ito ng ilang mga artista gaya nina Max Collins at Jennica Garcia-Uytingco.
The post Coleen Garcia, nakatulong daw sa kanyang pag rekober ng mabilis ang paginom nya ng kanyang placenta appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments