Mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff, ikwenento ang mga aral na itinuro sa kanila ng p@ndemya sa pamamagitan ng isang video

Nature lover at mahilig mag-travel ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heaussaff. Matatandaang nang inanunsyo nila ang kanilang engagement ay isang video ang ibinahagi ni Erwan kung saan tampok ang mga naging travel memories nila ni Anne bilang magkasintahan.

Credit: Anne Curtis Instagram    

Ngayon na mag-asawa na sila at mayroon ng anak ay hindi pa rin nawawala kina Anne at Erwan ang pagkahilig nila sa nature at pagta-travel.

Credit: Anne Curtis Instagram

Sa katunayan, kamakailan lamang ay bumiyahe sina Anne at Erwan kasama ang kanilang anak na si Dahlia Amèlie sa isang lugar sa Australia para mag-‘unplug’ mula sa ingay ng mundo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Isang maliit na cabin ang nirentahan nina Anne at Erwan kung saan sila pansamantalang tumira.
Base sa deskripsyon ni Anne ng lugar, wala umanong tao sa lugar na pinuntahan nila kundi sila lamang magpamilya.

Si Erwan naman, bilang bihasa sa paggawa ng mga video, ay idinokumento ang kanilang naging bakasyon sa pamamagitan ng isang video.

Credit: Anne Curtis Instagram

Ipinost ni Anne sa kanyang Instagram account ang video na may caption na, “My peace amidst the cha0s.”

Makikita sa video ang simple at payapang buhay nina Anne habang nasa bakasyon. Tanging mga hayop at luntiang kagubatan lamang ang makikita sa paligid ng lugar base na rin sa video na ibinahagi ni Anne.

Credit: Anne Curtis Instagram

Kapansin-pansin ang pagiging payapa ng lugar na ‘perfect’ para magmuni-muni sa mga nangyari ngayong taon.

Isa na nga rito ang mga leksyon na itinuro ng p@ndemya sa kanilang mag-asawa.

Kwento ni Erwan, “Driving is therapeutic – zone out and find a place of absolute focus. You’re both in the moment yet your mind is excited about the destination…Those are the emotions that I longed for this year, being in control of your own isolation, you know.”

Credit: Anne Curtis Instagram

Ang pinaka-namiss naman umano ni Anne ay ang lumabas at maging isa sa kalikasan.

Kwento ni Anne, “I feel like we’ve taken so many things for granted over the years — going into the woods, dipping my toes in a cold river, falling asleep under the stars and just the idea of belonging to something bigger than us. Waking up with nothing to do for the day.”

Kahit maraming bagay silang namiss sa taong ito dahil sa p@ndemya, nagpapasalamat pa rin sina Anne at Erwan dahil ngayong taon dumating ang kanilang napakagandang anak na si Dahlia Amèlie.
Ayon kay Anne, tinuruan umano sila ni Dahlia Amèlie na mag-slow down at pahalagahan ang mga bagay na mayroon sila.

Credit: Anne Curtis Instagram

“She has really taught us to slow down and appreciate what’s around us and be grateful for what we have,” ani Anne.

Samantala, maraming celebrity naman ang natuwa sa video na ibinahagi ni Anne. Kabilang sa mga ito sina Angel Locsin, Karen Davila, Enchong Dee at Iya Villania.

 

The post Mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff, ikwenento ang mga aral na itinuro sa kanila ng p@ndemya sa pamamagitan ng isang video appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments