Xian Lim, nagbakasyon sa Boracay kasama ang kasintahang si Kim Chiu at ang mga kapatid nito

Nagbakasyon sa Boracay ang aktor na si Xian Lim kasama ang kanyang kasintahan na si “Chinita Princess” Kim Chiu at ang mga kapatid nito ngayong holiday season.

Credit: Kim Chiu Instagram      

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Xian ang ilang larawan nila ni Kim kasama ang pamilya nito na kinunan bago sila sumakay sa eroplano patungong Boracay island.

“Different type of travel this year!,” ganito naman kung ilarawan ni Xian ang bakasyon nila ni Kim ngayong taon.

Credit: Kim Chiu Instagram

Ibinahagi naman ni Kim sa kanyang Instagram account na unang beses niyang sumakay ng eroplano simula noong mag-l0ckd0wn at medyo naninibago umano siya.

Ani Kim, “First time to ride a plane since lock down, after 11 months! ✈ It felt a little different but good thing @airasiaph made sure everything is clean and safe. Very good accommodation, fast, clean plus everything is well sanitized. Thank you alvin @iamalvinlasco of airasia, your super nice!!!🎄 again Merry Christmas everyone! ❤.”

Credit: Kim Chiu Instagram

Excited naman si Kim sa kanilang pagpunta sa Boracay.

Ani Kim, “off to the CROWN JEWEL OF THE PHILIPPINES, BORACAY!🌴🌊☀ (kailangan naka tiptoe pag kasama si xi!!!!😅) @xianlimm”

Sa kasalukuyan, maraming larawan na ang ibinahagi nina Xian at Kim kuha mula sa kanilang beach trip.

Credit: Kim Chiu Instagram

Ibinida ng magkasintahan sa mga larawan ang kanilang beach body. Parehong nagbabad sa sikat ng araw at sinulit nina Xian at Kim ang kanilang bakasyon.

Nagpapasalamat naman si Kim dahil nagkaroon siya ng oras na makapagbakasyon kasama ang mga mahal niya sa buhay.

“𝘚𝘬𝘺 𝘢𝘣𝘰𝘷𝘦 𝘰𝘶𝘳 𝘩𝘦𝘢𝘥𝘴, 𝘚𝘢𝘯𝘥 𝘣𝘦𝘯𝘦𝘢𝘵𝘩 𝘰𝘶𝘳 𝘧𝘦𝘦𝘵. 𝘓𝘪𝘧𝘦 𝘪𝘴 𝘎𝘰𝘰𝘥. 𝘓𝘪𝘧𝘦 𝘪𝘴 𝘸𝘰𝘯𝘥𝘦𝘳𝘧𝘶𝘭.” 🐚🌴🌊☀😎 happy to have spent time at the beach with the people close to my heart!❤ pahayag ni Kim sa Instagram.

Credit: Kim Chiu Instagram

Sa isang Instagram post, inamin naman ni Kim na ‘challenging’ para sa kanya ang taong ito.

Gayunman, nalampasan umano niya ang mga pagsubok na dumating sa kanya ngayong taon dahil sa kanyang pamilya.

Matatandaang nakatanggap ng maraming pambabash online si Kim ngayong taon dahil sa kanyang viral na pahayag na ‘Bawal Lumabas’.

Credit: Kim Chiu Instagram

“This year may be challenging, but I get through by having ‘them’ with me. I am happy to belong to a big family!🤍 may instant barkadahan kana kaagad!😅 as the saying goes, “to the outside world we all grow old, but not to brothers and sisters. We know each other as we always were. We know each other’s hearts. We share private family jokes. We remember family feuds and secrets, family gr!efs, and joy. We have that special bond, and that is called blo0d,” ani Kim sa Instagram.

Credit: Kim Chiu Instagram

Noong 2018 ay isinapubliko nina Xian at Kim ang kanilang relasyon.

The post Xian Lim, nagbakasyon sa Boracay kasama ang kasintahang si Kim Chiu at ang mga kapatid nito appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments