KC Concepcion, masayang nagdiwang ng pasko kasama ang kanyang ina na si Sharon Cuneta at kanyang mga kapatid

Sinurpresa umano ni KC ang kaniyang ina sa araw ng pasko at makikita ang kanilang mga bonding moments sa kani-kanilang Instagram Accounts.

Credit: @reallysharoncuneta instagram

Sa instagram account ni Sharon ay nagpost siya ng litrato na kumpleto ang kaniyang pamilya sa araw ng pasko at hindi naman maitatanggi ang kaniyang kasiyahan sa mga litrato. Ang nasabing post ay may caption na, “My complete family this Christmas Eve. God is good ALL the time. HAPPY BIRTHDAY, LORD JESUS!”

Credit: @reallysharoncuneta instagram

Sa nasabing post ni Sharon ay maraming mga artista rin ang bumati sa kanilang pamilya tulad nina Frankie Pangilinan, Connie Sison, Beth Tamayo, at iba pa.

Sa isa pang post ni Sharon ay mayroong isang video na ipinakita ni mega star kung paano siya sinurpresa ni KC noong pasko. Ang caption naman na nilagay ni Sharon sa post na iyon ay, “Christmas Eve 2020. And a nice surprise!”

Credit: @reallysharoncuneta instagram

Maraming fans din ang natuwa sa pagsasama ng mag-ina at narito ang ilan sa mga komento sa nasabing post:

Credit: @reallysharoncuneta instagram

“So happy for you, KC and for your whole family. Families, esp. mothers and their children, have a special bond that’s unbreakable no matter what. A blessed Christmas to all of you, Mama Shawie!!!”
“Merry Christmas mas mama… Im happy po na kasama niyo si ate KC ngaun… GODbless po”

Credit: @reallysharoncuneta instagram

Sa Instagram account naman ni KC ay nagpost rin sya ng litrato nila ng kaniyang ina sa tabi ng Christmas tree habang hawak hawak nila ang kanilang mga aso. Ang caption ng post ay ‘’A quiet, peaceful, heartfelt Christmas with my Queen. Merry Christmas, loves!”

Mula sa interview noong ni Tim Yap kay KC ay umamin si KC na marami rin silang pinagdaanan ng kaniyang ina at hindi naman sila naiiba sa ibang pamilya na minsan ay nagkakaron ng mga pagsub0k sa buhay.

“I don’t really like talking about problems in public but people love us and have really welcomed us in their lives. I want to thank everyone that is there to support my relationship with my mom. Every day, you just want everything to be nice and light and happy,”

Ayon kay KC. “If there was time l0st before, I think the most important thing is to both embrace each other’s imperfections and forgive and be loving towards each other. That’s the best we can do,”dagdag pa nito. Talaga nga namang walang makak@sira sa samahan at pagmamahalan ng mag-ina.

The post KC Concepcion, masayang nagdiwang ng pasko kasama ang kanyang ina na si Sharon Cuneta at kanyang mga kapatid appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments