Bettina Carlos at non-showbiz boyfriend na si Mikki Eduardo, kasal na!

Ikinasal na ang aktres na si Bettina Carlos sa kanyang non-showbiz partner na si Mikki Eduardo sa isang Christian outdoor garden wedding ceremony.

Credit: Bettinna Carlos Instagram       

Nangyari ang kasal nina Bettina at Mikki kahapon, December 2, dalawang buwan matapos silang ma-engage noong October. Dinaluhan ang kanilang kasal ng malalapit nilang pamilya at mga kaibigan.

Base rin sa mga letrato na ibinahagi nina Bettina at Mikki sa kani-kanilang social media account, ginanap ang kanilang kasal sa Tagaytay Highlands.

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Sa kanyang Instagram, i-pinost ni Bettina ang letrato ng kanyang bridal bouquet kalakip ng caption na, “This is the DAY that the Lord has made!”

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Sa isa pang post ni Bettina, ibinahagi naman niya ang dalawang wedding picture nila ni Mikki kuha mula sa kanilang kasal.

Ikwenento rin ni Bettina na may pakiramdam na siya sa puso niya na magiging ‘bride’ siya ngayong taon. Hindi naman lubos na maisip ni Bettina na dalawang beses sa isang araw siya ikakasal.

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Kung titingnan ang i-pinost na mga letrato ni Bettina ay una silang ikinasal sa isang outdoor garden wedding ceremony habang ang pangalawa nilang kasal ay intimate at indoor wedding naman. Narito ang kabuuang caption ni Bettina sa kanyang Instagram post:

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Aniya, “It will no longer be said to you, “Forsaken,” Nor to your land will it any longer be said, “Desolate”; But you will be called, “My delight is in her,” And your land, “Married”; For the Lord delights in you, And to Him your land will be married.” -Isaiah 62:4″

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Dagdag ni Bettina, “For some reason I knew in my heart I was going to get married this year….BUT I did not expect it to be TWICE and on the same day. Thankfully to the same man. 😉

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Sa huli ay proud na pinakilala ni Bettina ang kanyang sarili gamit na ang apelyido ng kanyang asawa.
Aniya, “Bettinna Carlos Eduardo po, nagpapakilalang bagong C0V!D bride.👰

Samantala, masayang-masaya naman ang mga kasamahan ni Bettina sa showbiz sa pag-iisang dibdib nila ni Mikki na itinuturing din ng aktres na kanyang “answered prayer”.

Credit: Bettinna Carlos Instagram

Komento ni Camille Prats, “God is truly faithful to those who love Him [emoji] really happy for you mars”

Ani Nikki Valdez, “Congratulations my piggie!!!!!!”

Saad naman ni Iya Villania, “Awww…congratulations Mr and Mrs Eduardo.”

Credit: Bettinna Carlos Instagram

August ngayong taon nang isinapubliko nina Bettina at Mikki ang kanilang relasyon.

Hindi na aktibo sa showbiz si Bettina at sa kasalukuyan ay pokus sa kanyang pastry business at pag-aalaga sa kanyang anak na si Gummy.

The post Bettina Carlos at non-showbiz boyfriend na si Mikki Eduardo, kasal na! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments