Anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia, cute na cute sa kanyang 9th month celebration

Isa sa mga celebrity kids na talagang inaabangan at sinusundan sa social media lalo na sa IG ay ang anak ng aktres at host na si Anne Curtis at Erwan Heusaff. Siya si Baby Dahlia.

Credit: Anne Curtis instagram

Mula pa man noong siya ay naipanganak ay talagang nakatutok at abang na abang sa kanya.

Buwan buwan ay pinagdiriwang ni Anne ang month birthday ni Dahlia. At ngayon, mabilis talaga ang panahon dahil ito na ang 9th month old ni Dahlia.

Credit: Anne Curtis instagram

Sa mga post ni Anne kada buwan ay makikita ang cute na cute na baby na si Baby Dahlia. Isa pa, mapapawow ka rin sa mga flower arrangements ni Anne na kumokorte sa bilang ng buwan ni Dahlia. Talaga namang napaka creative ni Anne.

Credit: Anne Curtis instagram

“Ay sus Ay suuuuuus naman. 🥰
I will never get tired of looking into those sweet and beautiful eyes,” saad ni Anne sa IG.

Credit: Anne Curtis instagram

Gaya ni Anne at Erwan, hindi nga naman talaga tayo mapapagod sa kakatitig at kakatingin sa bubbly at napaka sweet na si Baby Dahlia. Wala ka nga namang masasabi sa kanilang pag-aalaga at pagaasikaso sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

“Happy 9th month to my daaahling Dahlia Amélie.
P.S – Will try and teach her that this month. Beautiful eyes!!! Achieve na ang peek-a-boo, close-open, arimunding-munding and a-line 😋 What else am I missing? 😘,” dagdag pa ni Anne.

Sobrang hands on talaga ang mag-asawa pagdating sa anak. Isa daw sa mga tinuro na niya sa kanyang anak ay ang Beautiful Eyes na sinusubukan pa ring ituro sa kanya. At achieved na achieved naman nila ang close-open, peek-a-boo, at arimunding-munding.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

At siyempre, ang kanyang photographer ay ang kanyang ama na si Papa @erwan habang stylist, set design at hype girl to her clingy-ness ay ang kanyang Mummy Anne.

Mula’t sapul, ang kanyang mga magulang ang kaniyang mga photographer at stylist. Ganyan talaga sila ka supportive sa kanilang anak.

The post Anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia, cute na cute sa kanyang 9th month celebration appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments