Isang Food delivery rider humanga sa kanyang customer na inutusan siya na ipamigay ang mga inorder nitong pagkain sa mga taong nagugutom sa kalsada

Isa na namang good samaritan ang na-spot-tan hindi ng isang netizen kung hindi ng isang food delivery rider.

Trending ang Facebook post ng nasabing food delivery rider na kinilala bilang si Mark Berdan matapos niyang ibahagi ang kabutihan ng isang hindi nagpakilalang customer na ipinamigay ang kanyang mga inorder na burger sa mga taong nagugutom sa kalsada.

Credit: Mark Berdan Facebook

Nitong November 23, i-pinost ni Mark ang screenshots ng pag-uusap nila ng nasabing customer.
Nagsimula ang pag-uusap nina Mark at ng nasabing customer nang mag-text si Mark dito para ipaalam na papunta na siya sa bahay nito upang i-deliver ang inorder nitong 35 pirasong burger.

Nabigla si Mark sa reply ng nasabing customer dahil imbes kasi na ipahatid sa bahay niya ang mga burger ay sinabi ng customer na ipamigay na lamang umano ni Mark ang mga ito sa mga taong nagugutom na madadaanan niya sa kalsada.

Credit: Mark Berdan Facebook

Utos ng nasabing customer kay Mark, “Kuya, hindi mo na kailangan pumunta dito ‘yung 30 pcs ng burger pamigay mo along the way diyan sa mga nasa kalsada na nagugutom tapos yung 5pcs pa na burger iuwi sa pamilya mo.”

Credit: Mark Berdan Facebook

Nagduda pa si Mark sa sinabi ng nasabing customer ngunit siniguro naman ng nasabing customer na hindi siya nagbibiro at sinabi pa kay Mark na palagi na umano niyang ginagawa ang mamigay ng mga pagkain.

Bago sundin ang utos ng nasabing customer ay nagtanong muna si Mark at talagang sinigurado na hindi ito nagbibiro.

Credit: Mark Berdan Facebook

Natakot din si Mark na baka siya ay ma-report kapag sinunod niya ang nasabing customer.

“Hala biro [ba] yan maam [seryoso] talaga kayo maam baka ma report ako maam,” saad pa ni Mark sa nasabing customer.

Credit: Mark Berdan Facebook

Binilin din ng customer kay Mark na i-uwi nito sa kanyang pamilya ang 5 piraso ng burger at ang 30 pirasong natitira ay ibigay sa mga madadaanan niya.

Credit: Mark Berdan Facebook

Sa pangalawang pagkakataon, tinanong muli ni Mark ang nasabing customer kung seryoso ba ito.
Natawa naman ang customer dahil umano gulat na gulat si Mark sa kanyang utos.

Credit: Mark Berdan Facebook

Reply ng good samaritan customer kay Mark, “haha totoo nga bakit parang gulat na gulat ka naman…salamat paki pamigay nalang.”

Credit: Mark Berdan Facebook

Kumuha at nagpadala naman ng mga letrato si Mark sa nasabing customer para patunayan na ibinigay nga niya ang mga burger.

Credit: Mark Berdan Facebook

Kampante at may tiwala naman ang nasabing customer kay Mark kaya naman sinabihan niya itong huwag nang mag-send ng mga letrato.

Credit: Mark Berdan Facebook

Saad pa ng customer kay Mark, “Kuya mark ok na po hindi ko kailangan ng pictures I trust you naman po. Salamat.”

Credit: Mark Berdan Facebook

Sa caption ng kanyang Facebook post ay pinasalamatan ni Mark ang kanyang good samaritan customer.

Credit: Mark Berdan Facebook

Ani Mark, “Maraming salamat sa customer ko kanina ang bait [niyo] po.”

The post Isang Food delivery rider humanga sa kanyang customer na inutusan siya na ipamigay ang mga inorder nitong pagkain sa mga taong nagugutom sa kalsada appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments