Troy Montero, ibinahagi kung paano mas pinatatag ng p@ndemya ang relasyon nilang pamilya

Ano nga ba ang nagpapatibay sa isang relasyon? Bukod sa malalim na pagmamahalan, siyempre mahalaga din ang tuloy tuloy at open communication sa isa’t isa.

Credit: Troy Montero instagram

Bilang mag-asawa, ang pag-uusap ay isang mahalagang sangkap na nagpapalalim sa relasyon.

Kaya naman, iyan ang binigyang punto ni Troy Montero noong interviewhin sila ng kanyang asawang si Aubrey Miles sa Magandang Buhay noong October 29. Ayon kay Troy, komunikasyon at respeto daw ang sikreto nilang dalawa ni Aubrey sa kanilang pagmamahalan.

Credit: Troy Montero instagram

“Ako, especially during this time, I would say communication. You have to have really great communication and respect. Make sure you respect. Kasi once you have the respect, it’s very easy to have the other things, ‘yung love and everything. Very good communication and respect each other,” kwento ni Troy.

Bagay na sinangayunan at sinuportahan naman ni Aubrey at sinabing respeto daw talaga ang isa sa mga binibigyan nila ng halaga sa relasyon.”Same din ‘yung sasabihin ko, ‘yung respect niyo sa isa’t isa at ‘yung respect sa sarili mo.

Credit: Troy Montero instagram

Kasi parang the way na makikita nila na i-respect ka eh kapag sa sarili mo alam nilang ‘oh nirerespeto niya ang sarili niya, I have to give that.,” kwento naman ni Aubrey.

Credit: Troy Montero instagram

Samantala, ibinahagi din ni Troy na isa daw sa mga nakita nilang positibong bagay sa panahon ng p@ndemya ay ang nagkaroon sila ng quality time bilang pamilya. Mas nagkaroon sila ng oras para magsama-sama at mag bonding.

Credit: Troy Montero instagram

“If there’s a bright side to this p@ndemic and everything, it has given us more time with the family, more bonding moments. Parang more time na when your kids talk to you, hindi siya rush kasi you’re not going anywhere. Minsan-minsan lang we go out of the house pero most of our work is online lang. In a way it’s given us a chance to bond and become closer, all of us,” paglalahad pa ni Troy.

Kaya naman, masayang masaya si Troy at Aubrey sa kung paano sila namumuhay bilang isang pamilya.

The post Troy Montero, ibinahagi kung paano mas pinatatag ng p@ndemya ang relasyon nilang pamilya appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments