Sarah Lahbati: “Our family is growing and we’re happy to announce that we have a new baby girl”

Sa wakas! Mayroon ng ‘baby girl’ sa pamilya nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

Credit: @sarahlahbati Instagram    

Isang panibagong miyembro na naman ang nadagdag sa lumalaking pamilya ng hottest celebrity couple ngayon sa bansa.

Bukod sa kanilang naggagwapuhang mga anak na sina Zion at Kai ay mayroon ng bagong baby sina Sarah at Richard.

Nitong October 28 lamang ay ipinakilala ni Sarah ang newest addition sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Nag-post si Sarah ng kanilang family pictures kung saan ay masaya niyang inanunsyo sa caption na mayroon silang bagong ‘baby girl’ sa kanilang pamilya.

Ani Sarah sa caption, “our family is growing and we’re happy to announce that we have a new baby girl [grinning face emoji]”

Akala ng marami na buntis na naman ang aktres ngunit hindi pala isang sanggol ang tinutukoy ni Sarah sa kanyang Instagram post kung hindi ang kanilang bagong alagang aso na isang female french bulldog.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Sa mga larawan na ibinahagi ni Sarah ay makikita silang magpamilya na masayang-masaya kasama ang kanilang bagong alagang aso.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang Instagram post ni Sarah mula sa mga kaibigan niya sa showbiz.

Ang kapatid ni Richard na si Ruffa Gutierrez ay nagulat sa anunsyo nang aktres sa pag-aakalang totoong buntis nga ang kanyang sister-in-law.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Komento ni Ruffa, “Kalokaaaa I thought you were pregnant again!!!”

Saad naman ng matalik na kaibigan ni Sarah na si social media influencer Camille Co, “Omg I gasped and thought you were announcing something else [laughing emojis] she’s a cutie”

Reaksyon naman ng netizens sa anunsyo ni Sarah:

Credit: @sarahlahbati Instagram

“Kung di ako nagswipe akala ko buntis si Sarah. Iko-comment ko na sana…Ah, finally!!!”

“omg!!!!! i thought she was preggy again, I got too excited”

“Shucks! I thought its a baby girl”

“I thought 3rd child”

Credit: @sarahlahbati Instagram

Samantala, kahit hindi natuloy ang kanilang engrande at star studded wedding ngayon taon dahil sa banta ng c0vid itinuloy pa rin nina Sarah at Richard ang kanilang pag-iisang dibdib.

Nitong March lamang nang ginanap ang kasal nina Sarah at Richard na isang simple at intimate wedding.

The post Sarah Lahbati: “Our family is growing and we’re happy to announce that we have a new baby girl” appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments