Sharon Cuneta, binigyan ng trabaho ang maraming manggagawang Pinoy ngayong p@ndemya

Nagbigay ng pasilip si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang ipinapagawang bahay. Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Sharon ang short video clip na i-send sa kanya ng contractor na gumagawa sa kanyang bahay.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram    

Base sa video, talagang napakalaki ng ipinapagawang bahay ng TV actress-singer. Sa video, makikita na metal bars pa lamang ang sinisimulang ilagay ng mga nagtatrabaho sa napakalaking bahay ng aktres.

Hindi naman maiwasang ma-excite ni Sharon dahil sa wakas ay unti-unti nang nabubuo ang kanyang bahay.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Samantala, dahil sa pagpapagawa niya ng kanyang bahay ay maraming manggagawang Pinoy ang nabigyan ng trabaho ni Sharon ngayong panahon ng p@ndemya.

Masayang-masaya nga si Sharon dahil bukod sa nakapagpatayo siya ng bahay ay mayroon din siyang natulungang mga mangagawang Pilipino.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Hindi lingid sa ating kaalaman, na maraming mga Pinoy ang nawalan ng trabaho dahil sa matinding epekto ng p@ndemya.

Caption ni Sharon sa video, “When your contractor constantly updates you with video & photos of the construction of your house, and you cannot contain your excitement! Plus, it makes you so happy to know that many construction workers are making a living while building your home during this time of COVID!❤😊🙏🏻🙏🏻🙏🏻💖

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Sa isa pang Instagram post ay ibinahagi ni Sharon ang isang letrato kung saan makikita ang kanyang mga construction worker na nakasuot ng face mask at disiplinadong nakapila para kumuha ng kanilang pagkain.

Sa caption ay inihayag ni Sharon kung gaano siya ka-proud sa mga construction worker na gumagawa sa kanyang bahay.

Aniya, “My fabulous workers being so disciplined. Also so very systematic and methodical in their work. Am so proud of them! (P.S. I did not choose their food.😊❤)”

Sa isa pang Instagram photo na inupload ni Sharon ay makikita naman ang mga construction worker na may hawak na tarpaulin na may nakasulat na “thank you megastar”.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Makikita sa letrato na marami nga ang construction worker na nabigyan ng trabaho ni Sharon.
Pinuri naman si Sharon ng maraming netizens dahil sa pagbibigay nito ng trabaho sa mga construction worker. Komento ng netizens:

“Awww!!!kaya pala ngayon natuloy yung pagapapagawa mo ng house ms.Mega kase maraming mawawalan ng work,blessing ka po sa kanila!God bless you more and more!😘🙏

“Continue to be a blessing to others! 😍❤ Kaya blessed ka kasi andami mong natutulungan, hindi ako nagkamali ng inidolo talaga, yan ang legacy mo Mega, bihira ang artista na katulad mong ganyan, so proud of you👏👏👏😍😍😍❤❤❤

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

“Such a great person. In these trying times, many people are struggling to make a living. It’s good to know po that you are helping a lot of people.”

Una namang ipinangako ni Sharon sa kanyang mga tagahanga na magbibigay siya ng isang house-tour sa oras na matapos ang bahay.

The post Sharon Cuneta, binigyan ng trabaho ang maraming manggagawang Pinoy ngayong p@ndemya appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments