Miss Manila Alexandra Abdon, pinahanga at pinahalakhak ang netizens matapos niyang sagutin ang Final question ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo

Muli na namang pinahanga at pinahalakhak ni Miss Manila Alexandra Abdon ang netizens dahil sa kanyang sagot nang tanungin siya kung ano ang magiging sagot niya sa final question ni Rabiya Mateo sa Miss Universe Philippines 2020.

Credit: @alexandra.abdon Instagram   

Kagaya kasi ng kanyang pagsagot noong preliminary round ng Miss Universe Philippines pageant ay ‘chill’ lamang at ‘honest’ ang naging sagot ni Miss Manila sa tanong.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpaunlak ng isang online live interview si Alexandra kung saan ikwenento niya ang kanyang Miss Universe Philippines experience.

Sa YouTube video ni “The Geri General” nitong October 27 kung saan ay tinanong siya ng host kung ano ang magiging sagot niya sa final question ni Rabiya na “If you could create any new paper currency with the image of a Filipino on it, dead or alive, who would it be and why?”

Credit: @alexandra.abdon Instagram

Tugon ni Alexandra, “Katulad ng explanation ko kanina, wala akong maisip na mas magandang sagot. So, kung anong narinig kong sagot, so kung ano ‘yung sinagot ni Rabiya, ‘yun na rin lang ang sagot ko!”

Dagdag niya, “And for the record, ‘yon ‘yung winning answer. So, bakit ka pa magbibigay ng sariling opinion, may nanalo na?”

Sa huli ay binati ni Miss Manila si Rabiya sa pag-uwi nito ng Miss Universe Philippines 2020 crown. Aniya, “Congrats, Rabiya. Basta Ilongga, guwapa!”

Credit: @alexandra.abdon Instagram

Matatandaang naging instant crowd favorite si Alexandra dahil sa kanyang kabuuang attitude sa Miss Universe Philippines pageant.

Makikita kasi sa performance ni Alexandra na talagang ini-enjoy niya ang pagsali sa pageant. Isa rin si Alexandra sa mga nagbigay saya sa netizens dahil sa kanyang kwelang personalidad. Kaya naman maraming netizen ang nakapagsabi na pwedeng sumali sa Kapamilya reality show na Pinoy Big Brother si Alexandra dahil sa kanyang personalidad.

Credit: @alexandra.abdon Instagram

Ani ng netizens:

“Pag nag big brother toh… sobrang raming manonood! Pramis! Girl — go na… Audition ka na sa KUMU — strike while the iron is hot. Matic yan bes kaw ang talk ng edition na yan. Chance mo pa maging artista… Go na bes 😊

“Hahaha. Ms Manila you are destined for pbb not mu hehe ❤❤❤

Credit: @alexandra.abdon Instagram

“Grabeeeeeee Ms. Manilaaaaaa. After preliminary lagi ko na sinusubaybayan. Ang chilll and ang authentic ng personality. Pbb ka na Ms. Manila or Vlog 😇😊 I swear napakadaming susuporta 😇😍❤

Samantala, ayon naman kay Alexandra pumasok na rin umano sa isip niya na sumali sa PBB.

Aniya, “Actually, I’m planning na…kino-consider ko na magpasa ng Kumu live and then i-post siya sa Facebook ko…just for the sake na pagbigyan [ko] ‘yung sinasabi ng mga tao. Kung hindi siya nangyari, edi hindi. Eh, kung nangyari, edi thank you sa inyo kayo ang dahilan kung ba’t ako nandito.”

The post Miss Manila Alexandra Abdon, pinahanga at pinahalakhak ang netizens matapos niyang sagutin ang Final question ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments