Dating “Goin’ Bulilit” member na si Hopia, ikakasal na!

Sa loob ng 14 na taon ay naghatid ng saya sa maraming Pilipino, bata man o matanda, ang Kapamilya kiddie sketch comedy show na “Goin’ Bulilit”.

Credit: @trinalegaspi Instagram      

Sa katunayan, ay hindi maiwasang mapagtanto ng mga tagahanga ng “Going Bulilit” na tumatanda na sila matapos ibinahagi ngayon ng dating miyembro ng “Going Bulilit” na si “Hopia” o Trina Legaspi sa tunay na buhay na engaged na siya sa kanyang nobyong si Ryan Jarina.

Matatandaang isa si Trina sa mga unang batch ng “bulilits” na napanood ng mga tao. Ilan lamang sa mga kasabayan ni Trina noon sina Kiray Celis, Kathryn Bernardo, Julia Montes, Miles Ocampo at John Manalo.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Ibinahagi ni Trina sa kanyang Instagram account ang ilang mga letrato kuha mula sa ginanap na wedding proposal ni Ryan.

Sinabi naman ni Trina sa caption na walang pag-aalinlangan niyang sinagot si Ryan ng ‘yes’ na anim na taon na niyang kasintahan.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Sa tagal din umano ng kanilang pagsasama ay masasabi ni Trina na ‘worth it’ ang kanyang paghihintay.

Inamin din ni Trina na hindi na siya makapaghintay na pakasalan si Ryan na itinuturing niya na kanyang ‘first and only love’.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Sulat niya sa caption, “11/22/20 6 years together and forever!! 💍 Without a doubt, in a heartbeat, I said YES! ❤ I can’t wait to marry my first and only love. Finally, malapit na tayong mag-travel na tayong dalawa lang! ✈ Yey!! Grabe Babe, na-SURPRISE talaga ako, akala ko ‘nung una ‘di pa para sakin ‘yung proposal! Hahaha! 😅 I’ll share with you guys our proposal story soon. 🤫 Hindi na ito prank, totoong may kasalang magaganap!! 🤵🏻👰🏻

Credit: @trinalegaspi Instagram

Dagdag niya, “Thank you Lord for giving me my destined partner. 😍 It’s worth the wait talaga! I love you fiancé!! Yes, fianceeee na 💍👩‍❤️‍💋‍👨

Credit: @trinalegaspi Instagram

Samantala, kinilig naman ang maraming netizens sa engagement nila Trina at Ryan. May ilang netizens ang hindi makapaniwala na ngayon ay ‘soon to wed’ na ang isa sa mga iconic “Goin’ Bulilit” star noon na si Hopia. Komento ng netizens:

“Grabe parang kailan lang nanonood pa ko ng goin bulilit niyo, taz ngayon ikakasal kana. Wow. Grabe ang bilis talaga ng panahon. Congrats to the both of you!”

Credit: @trinalegaspi Instagram

“Dati anliit mo pa sa goin bulilit ngayon mauuna ka pang ikasal saken. Anyway congratulations Hopia”

“Congrats idol…imagine ung dating pinapanuod lang nmin sa goin bulilit date..ikakasal na….”

Unang napanood si Trina sa drama series na “Hiram” taong 2004 bilang batang Kris Aquino. Tatlong taon siyang napanood sa “Goin’ Bulilit” bago gumraduate sa edad na 13-taong gulang.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Isa lamang sa pinagkakaabalahan ngayon ni Trina ay ang paggawa ng mga video para sa kanyang YouTube channel na sa ngayon ay mayroon nang mahigit 40K subscribers.

The post Dating “Goin’ Bulilit” member na si Hopia, ikakasal na! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments