Tingnan ang napakagandang birthday photosh00t ni Jane De Leon

Isa sa mga pinakahihintay nating espesyal na araw ng ating buhay ay ang ating kaarawan. Napaka espesyal nga naman nito dahil ito ang araw na tayo ay naisilang sa mundo.

Kaya naman, gusto natin na sa simpleng paraan ay magiging espesyal na araw ito sa atin taun-taon.

Credit: Jane De Leon instagram

Gaya na lamang ng teen actress na si Jane De Leon. Siya ay nag celebrate ng kanyang
22nd birthday noong Nov 22. Dito makikita ang kanyang special photo sh00t na kanyang inilabas sa kanyang social media na kinagiliwan ng marami.

Credit: Jane De Leon instagram

Bagay na bagay kay Jane ang kanyang black dress. Mas lumutang ang kanyang kagandahan na pinuri naman ng lahat.

“Never ending fantasy, Thank you for the whole team who made this possible to me. Love u guys!” saad ni Jane sa kanyang caption.

Credit: Jane De Leon instagram

Lubos na nagpapasalamat si Jane sa lahat ng bumuo ng shoot na ito. Ito ay kinuhanan ng celebrity photographer na si Gee Plamenco Jr., na ibinahagi din ang mga napakagandang larawan ni Jane.

Kaya naman, hindi na rin mapigilan ng mga fans at netizens na batiin at purihin si Jane sa kanyang angking ganda. Maging mga celebrities ay nagkomento at nagpaabot ng kanilang pagbati gaya na lamang nina Marian Rivera, Maja Salvador, at Marlo Mortel.

Credit: Jane De Leon instagram

Matatandaang si Jane ay ang bagong gaganap sa Darna ngunit dahil sa p@ndemya ay pansamantala muna itong itinigil.

Pero, sa kabila nito ay nagmistulang real life Darna din si Jane matapos niyang mag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa mga nasa 3vacuation centers sa Marikina City.

Credit: Jane De Leon instagram

Namahagi sila ng mga relief goods para sa pagbango ng mga nas@lanta ng B@gyong Ulysses.

Credit: Jane De Leon instagram

Si Jane ay dating member ng girl group na GirlTrends na sumikat sa It’s Showtime. Siya din ay mas nakilala sa kanyang role noon sa 2018 drama na Halik.

The post Tingnan ang napakagandang birthday photosh00t ni Jane De Leon appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments