Dating beauty queen na nalink kay Cesar Montano, nag-post ng letrato ng kanyang 5-taong gulang na anak kasama ang batikang aktor

Binulabog ng dating beauty queen na si Sandra Seifert ang social media matapos niyang i-post ang isang letrato ng kanyang limang taong gulang na anak kasama ang aktor na si Cesar Montano.

Credit: Sandra Seifert Instagram    

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbahagi si Sandra ng isang letrato ng kanyang anak na si Corinth Ian kasama si Cesar.

Sa letrato ay makikita si Cesar na hinahalikan sa pisngi ang anak ni Sandra. Caption naman ni Sandra sa kanyang Instagram post, “Love actually”

Credit: Sandra Seifert Instagram

Kahit walang direktang kumpirmasyon o pahayag si Sandra na si Cesar nga ang ama ng kanyang anak ay kumalat ang espekulasyon na si Cesar umano ang ama ng bata.

Matatandaang taong 2015 lumabas ang mga espekulasyon na nabuntis ni Cesar ang beauty queen ngunit noon ay tikom pa ang dalawa sa isyu.

Credit: Sandra Seifert Instagram

Ipinanganak ni Sandra si Corinth Ian sa Amerika noong October 10, 2015 at sa kanyang mga panayam ay inamin niya na isa siyang single mom.

Samantala, umani naman ng samu’t saring komento mula sa netizens ang rebelasyon ni Sandra.

“This picture looks so happy! It’s filled with warmth & love and I can feel it❤ I’m sure God is smiling seeing this! Coco is blessed with great parents! Keep on being a wonderful mom, Ate Sandra! I hope to be half as great of a mom as you one day! Blessings 🤗

Credit: Sandra Seifert Instagram

“My friend! I love you, I support you, you are doing an amazing job at raising your son! Don’t listen to any naysayers, it’s just a negative space you do not need to entertain. It’s clearly a reflection on them. You are a fantastic mother. I’m always here for you despite the distance! Keep doing you girl!”

Credit: Sandra Seifert Instagram

“ok lang magkamali may gwapo ka namang anak.at least now you are wiser.hay naku ceasar”

Credit: Sandra Seifert Instagram

Si Sandra ay isang Filipino-German model. Noong 2009 ay kinoronahan siya bilang Miss Philippines Earth. Sa kasalukuyan, ay isang negosyante si Sandra.

The post Dating beauty queen na nalink kay Cesar Montano, nag-post ng letrato ng kanyang 5-taong gulang na anak kasama ang batikang aktor appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments