Maris Racal, ipinagmalaki ang kanyang bahay na katas ng kanyang pagsisikap

Patok ngayon sa social media ang mga house-tour vlogs ng mga kilalang artista at YouTuber. Marami ng YouTuber ang pinaunlakan ang house-tour request ng kanilang mga subscribers. Isa na nga rito ang Kapamilya actress-singer na si Maris Racal.

Credit: Maris Racal YouTube         

Sa unang pagkakataon ay ipinasilip ng aktres ang kabuuang detalye ng kaniyang bahay matapos ang renovation na ginawa rito.

Pagpasok mo sa bahay ng aktres ay bubungad sa’yo ang isang 4-layer white rack shelve kung saan nakalagay ang mga sanitation at disinfectant product.

Credit: Maris Racal YouTube

Sa unang palapag din ng bahay makikita ang isang console table na ginawang shoe rack ni Maris. Makikita rin sa bahaging ito ang isang malaking salamin, mga figurine, isang painting, at ang kaniyang iniingatang mga halaman.

Credit: Maris Racal YouTube

Agaw pansin naman ang nakasabit na “line art” sa pader habang papaakyat ka sa ikalawang palapag ng bahay na bumagay naman sa lumang vase ni Maris na nilagyan niya ng tuyong eucalyptus plant.

Credit: Maris Racal YouTube

Sa kaniyang living room, unang makikita ang isang gallery wall kung saan nakasabit ang mga art pieces na si Maris pa mismo ang pumili sa tulong ng kaniyang ate at stylist. Karamihan sa mga art pieces na ito ay digital art.

Credit: Maris Racal YouTube

Proud namang ibinahagi ni Maris ang kauna-unahang painting na nabili niya. Ang painting ay ipininta ng isang sikat na Pilipino artist na si Buddy Cabrera.

Credit: Maris Racal YouTube

Sa kabuuan mapapansin mo na pinaghalong kulay kahel, ginto at berde ang nangingibabaw na kulay sa living room ng aktres. Mula sa kaniyang green couch, gintong center table at Acapulco chair pati na rin ang kulay kahel na carpet na may geometric pattern design.

Credit: Maris Racal YouTube

Glass vase naman ang napiling paglagyan ni Maris ng kaniyang mga halaman dahil sawa na raw siya sa mga solid color. Ideya naman ni Maris na gawing built-in at multi-functional ang lalagyanan ng kaniyang TV. Bukod kasi sa TV ay dito rin nakalagay ang kaniyang mga gamit sa pagba-vlog.

Credit: Maris Racal YouTube

Ikinuwento rin ni Maris na paborito niyang shooting place ang kaniyang living area dahil sa magandang lighting.

Credit: Maris Racal YouTube

Dumako naman si Maris sa kaniyang dining at kitchen area. Ginawang L-shape dining table ni Maris ang dati niyang kitchen island na may desenyong quartz. Marble naman ang napiling gamitin ni Maris sa kaniyang kitchen top.

Credit: Maris Racal YouTube

Sa ikatlong palapag ay makikita ang kwarto ni Maris kung saan ay matatagpuan ang kaniyang mga art collection, mga natanggap na award at mga libro. Ipinakita rin ni Maris ang isang single sofa chair kung saan madalas siyang nag-eedit ng vlogs.

Credit: Maris Racal YouTube

Huling ipinakita ni Maris sa kaniyang house-tour ang kaniyang guitar collection na galing pa umano sa kaniyang mga fan. Ipinakita rin ni Maris ang gitarang ibinigay ni Yeng Constantino sa kaniya noong nasa loob pa siya ng bahay ni Kuya.

The post Maris Racal, ipinagmalaki ang kanyang bahay na katas ng kanyang pagsisikap appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments